BES [2]

93 20 5
                                    

"What?! Are you out of your mind? Stop this nonsense, uuwi na 'ko!"

Can't believe him! Mukang mali pa ata na ako ang kumausap sakanya. Mahal ko siya pero parang mali.

Kung sana, noon pa. Noong hindi ganito ka ka-komplikado ang lahat.

"I don't get you Bianca! Alam kong mahal mo pa ako hindi ako manhid! Di ba dapat nga matuwa ka pa? Mahal pa kita Bianca kaya wag mo na ipilit na bumalik ako kay Sabrina!"

Tumayo ako at derechong umalis palabas ng food chain. Naramdaman kong ang pagsunod nya. Takbo at lakad ang ginawa ko hanggang makarating sa sakayan ng taxi.

Unfortunately, naabutan nya ako. Kaya no choice na makasabay ko sya sa taxi.

I can't look at him. Ayoko. Hindi tama 'to. Hiwalay na sila pero kung susuklian ko ang pagmamahal ni Leo, para na rin akong naging other woman niya.

Ayoko ibaba ang sarili ko para lang sa pagmamahal. I know I deserve more. Mahal ko sya pero, hindi sya para saakin.

Nang makababa na kami ng taxi, marahas nya akong hinila para humarap sakanya.

"Look at me! Mag-usap tayo!"

"Leo ano ba! Bitawan mo 'ko!"

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo inaamin na mahal mo pa ako! Diba mahal mo pa ko? Wag kang mag deny Bianca!" galit na sabi niya at halos mapiga na ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak nya

Magsasalita pa lang sana ako nang-...

"What are you guys talking about?!"

Napatingin ako sa babeng nagsalita at laking gulat ko ng makita ko si Sabrina. She's crying at mahahalata sa itsura ang pagkagulat.

Agad naman akong binitawan ni Leo ngunit hindi sya nagpakita ng pagkagulat sa presensya ni Sabrina.

"Sab..." mahinang sabi ko.

Lalapit pa lang ako sakanya ng tumakbo sya papalapit sakin at sinampal ako.

"Liar!"

"Umalis ka dito bago ko pa makalimutan na babae ka!" sigaw ni Leo kay Sabrina.

Mula sa pagkakasampal ni Sab ay napayuko ako. Wala akong lakas para harapin sya.

Parang ang sama ng tingin ko sa sarili ko. Hindi man ako nagsinungaling sakanya pero tinago ko sakanya ang totoo.

"I'm sorry" mahinang sambit ko at mabilis sa tumakbo papasok ng gate namin.

***

"Please, tigilan mo na ako, hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi na kita mahal! Wag mo nang ipilit. Nakikiusap ako sayo Leo, bumalik ka na sakanya. Kailangan ka niya at ng magiging anak nyo."

"Totoo ba ang sinasabi mo? Pero akala k-"

"Akala mo? Paano mo nasabi? Masaya na ako sa buhay ko Leo. Kung hindi lang dahil sa nakikiusap si Sabrina hindi naman ako manghihimasok sainyo. Please you know how it feels to grow without your father beside you! Lumaki ka sa broken family. Wag mong hayaan na mangyari yun sa magiging anak mo!"

Hindi pa rin sya kumikibo kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Siguro na confuse ka lang sa nararamdaman mo Leo. Alam kong mahal mo pa si Sabrina, wag mong pairalin ang pride mo. Magkakaanak na kayo. Hindi ka ba masaya don? Hindi ba pangarap mo magkaroon ng isang kompleto at masayang pamilya? Maging responsable ka Leo! Magpakalalaki ka."

"Mahal ko kayo ni Sab bilang kaibigan. Sana maayos nyo na to Leo, I did my best para makatulong sainyo pero parang mas naging panggulo pa ko"

"Please ayusin mo na. Pag naayos nyo na to alam kong mapapatawad ako ni Sabrina at hahayaan nya ako magexplain"

Tumayo ako at iniabot ang kanang kamay ko sakanya.

"Leo, ngayon palang. I want to congratulate you. Congrats magiging daddy kana! I know magiging mabuti kang daddy."

Tinignan nya ang kamay ko at bahagyang tumingala. Maya-maya ay bigla din syang tumayo at inabot ang kamay ko.

"Salamat. bestfriend"

Napangiti ako at agad na tumalikod.

***

After 4 months

Sabrina Nicholas

Ninang bianca!!! ^____^

Napakalapad ng ngiti ko nang mabasa ko ang message ni Sabrina. After 4 months, ngayon na lang siya nagmessage. I guess, were fine.

***

"Oh my ghad Sab! Ang lakiiii!!! 7 months pa lang pero bakit parang 12 months na!!!"

"Grabe ka naman! 12 months? Bulok na ang babies ko kung ganun!"

"What?! You mean? -"

"Yes! Babies! Were having a twins!"

" omg I'm so happy for both of you!"

Sobrang excited akong lumuhod at hinawakan ang baby bump ni Sabrina. It's so huge! Parang anytime puputok na.

"Baby G and baby B! Look oh andito si Ninang. Sorry ha ngayon nyo lang sya nakita kasi eh ngayon palang magsosorry si mommy"

Napatayo ako at umupo sa tabi nya.

"Ako ang dapat magsorry. Hindi ko sinabi sayo na may past kami ni Leo" I said as I grab her right hand.

"No, ako nga dapat magsorry. Parang ako pa kaya ang umagaw sakanya sayo. I did not know na girlfriend ka nya dati nung naging mutuals kami. Tapos, nasampal pa kita" she immediately hug me and started sobbing.

I laugh as I heard her sobbing like a kid. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya at tinignan sya ng may halong pang-aasar.

"Bestfriends?" I ask her dahilan para gumihit ang napakalapad na ngiti sa labi nya.

" oo naman! bestfriend! Thank you Bianca!"

***

"Bye dad! Ikaw muna bahala sa kambal, saglit lang kami ni bessy promise!"

"Oy te-teka! Bakit di na naman ako kasama?! Bessy ko din naman si Bianca ah!"

"Hahaha! Next time na Leo, dalawa lang ang coupon ko sa Flawless! As if naman gusto mo din!"

"Sige na umalis na kayo, ang cheap nyo! Asa sa coupon! Kuripot!"

"Hahahahaha"

---☆

I chose friendship over love

And this is one of the bravest thing I did.

This is one of the memorable, and remarkable moment of my life.

I finally moved-on.

We lost our love as partners, but we don't lose each other.

I'm glad this happened.

I just found two bestfriends and I'm so happy about it.

Thank you Lord...

Kailan kaya yung akin?

Lord, gusto ko din ng twins.

^____^

BESWhere stories live. Discover now