Prologue

2 0 0
                                    

"Ate Andeng! Tayo na sa labas!malapit ng dumaan ang musiko." sabik na tawag ni Anj sa akin. Kanina pa niya ako tinatawag para mapanuod ang musiko na dadaan malapit sa bahay, pista kasi ngayon sa lugar na ito.

"Oo, saglit lang na to Anj susunod na ako" saad ko at inilagay na sa ref ang salad. Nakita kong nasa hamba na siya ng kusina.

"Tapos ka na? Pahingi ate"

"Ou, pero hindi pa malamig yan ah" giit ko.

"Mamaya na lang pala, tara na" aniya at hinawakan ang aking palapulsuhan at hinila palabas ng bahay.

"Naku, ayan na malapit na sila" sabik niyang saad. Feeling ko nandiyan ung crush niya kaya parang kinikilig nanaman.

"Kasama ba diyan ang crush mo-"

"Shhhhh!!" Sabay lagay ng kanyang hintuturo sa kanyang labi. There I new it!.

"Baka marinig ka ni Kuya."di kalayuan sa lugar nin ay naroon si Andrew, may kausap siyang babae kakilala niya yata.

"Hindi ka naman maririnig non, ang layo sa atin oh at tsaka ang daming tao maingay pa." Ngumuso ako, hindi na niya pinansin ang sinabi ko at itinuon na ang tingin sa pinapanuod.

Ngayon mismo ang araw ng pista, maraming nakahandang palabas ang lokal para sa mga taga rito at sa mga dayo na nais rin pumunta para maki pista.

Ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi ako ng ganitong okasyon, at tingin ko ay masaya naman. Nang makalagpas na ang musiko kung saan kami naka pwesto ay agad na dumalo si Anj sa akin. Ang mga tao sa paligid ay nagpulasan na rin.

"Tara na Ate Andeng, buo na ang araw ko" saad niyang abot tenga ang ngiti. "Nakita ko na siya eh"

Bumaling ako sa likod para tignan kung naroon pa si Andrew ngunit wala, siguro ay nahabalik na sa bahay. Tumingin ako sa aking relo and it's already quarter to four.

"Asan si Wax ate?" tanong  niya

"Tulog pa" tugon ko, ganitong oras ang siesta niya, kaya hindi ko na siya sinama.

"Sayang naka panood sana siya, matutuwa yon madaming tao e" saad niya nang bigla siyang napaigtad. panigurado ay may naiisip nanamang gawin ang isang ito.

"Manood tayong fireworks ate, pati na rin yung mga artistang dadating mamaya." Masaya niyang saad, Jusko! yun lang pala, napailing na lang ako.

And that is what I like about her, she's very cheerful and childish, kahit malapit ng mg kolehiyo. Minsan nga naisip ko parang nakukuha ko na ang ugali niyang iyon. I wonder kung ganito rin ang ugali ko noon.

I nodded at her coz for sure mangungulit iyan kung tatanggi ako. Nang nasa pintuan na kami ng bahay ay nabungaran ko agad si Andrew na kumakain at ilang kakilalang bisita na nasa habag. Si Tita Abel naman ay may kinuha sa ref.

"Oy,oy where have you been huh?" Kunot noo niyang tanong, I was about to answer him ngunit inunahan na ko ni Anj.

"Sa labas Kuya, bakit bawal bang manuod?" sabay irap.

"Hindi naman, baka kasi kung saan mo nanaman dinala si Drea" may pag aalala niyang sagot. well ganyan naman yan si Andrew, nagmamasungit pero I know he's just concern on us, minsan nga madalas pa sa akin.

Hindi na niya pinansin si Andrew at pumanhik na sa taas. They have different personality, si Andrew ay may pagkaseryoso, minsan ngunit makulit din, pero si Anj, ay makulit talaga at madaldal. Madalas niyang inaasar si Andrew pero sa huli siya ang napipikon.

"Drea, kumain kana? Tikman natin tong ginawa mo." saad niya habang nagsasalin ng salad sa bowl.

"Kalalagay ko lang niyan sa Ref ah." Sagot ko sakanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fragments of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon