Yung oras na pakiramdam mo'y nabalot kana ng dilim,
Oras na akala mo'y pag-asa'y malabo ng makamit,
Oras na akala mo'y katapusan na ng iyong mundo,
Oras na akala mo'y tanging pagsuko na lang ang kaya mo.Mga oras na nakakaranas ng matinding hinagpis,
Mga oras na punong puno ng problema at pagtitiis,
Mga oras na sakit at hapdi ang nasa dibdib,
Ang mga oras na paubos na ang ningas ng kandilang pag-asa ang nakapaloob.Mga panahong ika'y mapapatanong sa iyong sarili,
May bukas pa kaya akong tatahakin?
Sa pagsuong ko sa walang hanggang dilim,
Liwanag kaya'y muling sisilip para sa akin?