Ang Bilis!

8 0 0
                                    

Biglaan kang dumating,
Biglaang nagkakulay ang mundo kong ka'y dilim,
Biglang sumigla at mga ngiti'y biglang sumilip sa akin,
Na tila wala ng bukas sa sobrang kabog ng aking dibdib.

Biglaang sumaya ang lahat,
Sa di mabilang na pagkakataon pag-asa'y muling sumilip na,
Pag-asang hindi ako mabubuhay ng mag isa,
Pag-asang di ko kailangan malungkot dahil andiyan ka pa..

Talaga nga namang kay bilis nga,
Sa sobrang bilis mong dumating,
Kay bilis mo ring nawala,
Kay bilis mo ring nakahanap ng iba.

Biglaan ang pagdating,
Biglaang pag- alis din,
Kay bilis, mundo ko'y nagkakulay,
Ngunit kay bilis mo ring binawi at ako'y sinaktang tunay.

Tunay nga'ng ang pagbabago patuloy lang,
Kailan man di mapipigilan ninuman,
May mga darating at ika'y pakikiligin ng minsan,
Ngunit may aalis din na tila sakit ay di maiiwasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Piece of LifeWhere stories live. Discover now