PROLOGUE

2 0 0
                                    

Nandito ako sa Ayala Harbor Point sa subic para maghanap ng regalo. Malapit na kasi Christmas party namin. Hindi ko maiwasan na hindi mahiya dahil sa suot ko. Hindi naman sa sobrang pangit ang suot ko pero hindi nababagay ang bag ko sa damit ko. Isama na rin natin na ang akward kong tignan. Pumasok na ako sa loob ng national bookstore para hanapin yung magazine na pinalabili niya kaso sa kasamaang palad wala doon ang hinahanap ko.

"Kung minamalas nga naman oh." bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bag para ichat siya pero dahil malas ako ngayon, offline ang babaita. Dapat talaga kasama ako sa gala namin ng mga kaibigan ko kaso hindi ako pinayagan ni Mama. The truth is kasama ko si Mama at ang Tita ko. 

"Hershey, tara na. Sa susunod ka na lang bumili." Sabi ni mama saka ako hinila. Napasimangot na lang ako. Minsan talaga mas gusto ko kasama mga kaibigan ko kapag gumagala. Kasi hindi naman kami exactly na gumagala talaga. Sumama na lang ako para makabili ng bag. Which is nakabili namn ako. 

Napagdesisyonan nila mama na manuod na lang ng sine kasi wala na rin silang magawa at matagal pa rin kami susunduin ni Papa. Bumili na kami ng ticket pero dahil sa sobrang daming tao mga 4:50 pa kami makakanood. Dahil sa pagod na kami umupo muna kami sa tabi ng sinehan. Ang dami talagang tao ngayon. Luminga-linga ako sa paligid at sakto nakita ko yung kaklase ko. Kasama ng jowa niya. Kasama niya rin yung bestfriend ko dahil boyfriend niya yung kapatid ng kaklase ko.

Nag-double date siguro.

Kinawayan ko sila at nag-usap ng saglit. Pina-alis ko na rin sila agad dahil baka maka-istorbo pa ako. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Hershey Sanchez, 17 years old, nag-aaral sa Pink Starlight Academy in short PSA. Hindi ko alam sa principal namin kung bakit ganyan ang pangalan ng school namin. And by the way I'm single. I had a boyfriend once pero parang laro-laro lang saamin yun. I never experience real love yet. Hindi naman sa nagmamadali but, I feel lonely whenever I see some couples out there. Nakaka-ingit kasing tignan.

I want to experience pain, sadness and happines with someone that I love. Well, you know what I mean right??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

●•°DIARY NG SINGLE°•●Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon