Confirm

2K 20 2
                                    

Simula kanina noong malaman ng mga kaibigan ni kathryn ang tungkol kay sab ay hindi nila maiwasang pang gigigil ang anak nila ni daniel.

"Grabe so cute  naman the pisngi! Kathryn na kathryn!" Hindi mapigilan ni arisse ang halikan si sab, tawa lang ng tawa  si sab at kiliting kiliti sa ginagawa sa kanya.

"Tita arisse it's kilit po hihihi"

Hindi naman maiwasan ni arisse na tumingin kay pat dahil napapansin niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya, nag ngitian lamang silang dalawa noong magtama ang kanilang mga mata.

"Peram naman ako! Sab come to your tita jv!" Sab politely smile, bumaba ito sa kandungan ni arisse at kumandong kay jv.

"Why tita? You're a man  it should be tito. Diba mimi?" Tumingin pa ang bata sa kanyang ina na ngayon ay kasalukuyang tumatawa

"Yes anak, it should be tito jv okay?" Sabay sabay na nagtawan ang lahat ng mga kaibigan niya, "oh wait lang I'll check manang if she's already done para makakain na tayo ng lunch"

Tumayo si kathryn at tumungo sa kusina, "ay mam kath, sandali na lang po ito, hintayin nalang pong kumulo yung beef broccoli pero po yung tempura okay na po kaso hindi pa po nalalabas sa oven lala--"

Napansin ni kathryn na nagagahol na si manang linda, hindi kasi ito sanay sa madaming gawain, sa katunay ay si kathryn kasi ang nagluluto palagi para sa pamilya niya at si manang linda ay katuwang lamang ni kathryn sa pagbabantay kay sab, ngayon lang  hindi nakapag luto si kathryn dahil inaasikaso niya ang mga kaibigan.

"Ay manang, ako na po ang mag aalis sa oven, wag po kayong mataranta maaga pa naman po. I just really came to check on you baka kasi nahihirapan na po kayo"

"salamat mam kath" isang ngiti ang ibinigay ni Kathryn sa kanilang kasambahay, pagkatapos ilabas ang mga tempura sa oven, napansin ni kathryn na puno na ng mga basura ang basurahan kaya naman kinuha niya ito at lumabas upang itapon ito sa garbage bag.

Papasok na sana siya ng makita niya si patrick sa may tapat ng pinto ng harapang bahay nila, tatawagin niya sana ito ngunit tila ba may kausap ito sa cellphone.

"Tangina totoo? Buntis talaga si jasmine? Confirm na?" Hindi pa man din nakakatalikod si kathryn ay tila ba natigilan agad siya sa kanyang narinig,

Hindi lang ang buong katawan ni kathryn ang tumigil sa narinig, maging ang buong sistema niya, pero ang kanyang puso ay kakaiba, ito lang ang tanging bumilis sa balitang narinig niya.

"Congrats dj! Tatay kana ulit! Hayep ka, puro panganay anak mo!" Tila ba sarkastikong pahayag ni pat

Hindi kaya ni kathryn ang marinig pa ang susunod na sasabihin ni patrick kaya naman tumakbo na ito papalayo at ginamit ang likod na pintuan ng kanilang bahay papasok.

Pumasok si kathryn sa cr upang doon ilabas ang kanyang sama ng loob.

Akala ko ang makita si dj kasama si jasmine ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sakin, hindi pala.

Isang malaking sampal ito para kay kathryn, kahit pala tanggapin niya uli si daniel ay hindi na maari. Hindi na pwede.

"AHHHHHHHHHHHHH!" Isinigaw niya lahat, ang lahat lahat. Hinihiling na sa pagkawala niya ng isang malakas na sigaw ay masasama nito ang mga sakit na nararamdaman niya.

10 minutong nakaupo lamang si kathryn sa sahig ng cr habang umiiyak, habang sinasambit ang katagang

ang tanga mo kathryn

Hawak hawak ni kathryn ang kanyang dibdib, hirap na siyang huminga dahil sa matagal na pag iyak, hingal na hingal siya, pagod na pagod ito, hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya.

My only chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon