Since prologue at mga linya lamang ng istorya ang magiging basehan, magfocus kayo sa mga parteng 'yon ng inyong istorya.
Paano nga ba gawin ang isang magandang prologue?
Personally speaking, maganda ang isang prologue kung wala masyadong mga typo. Totoo 'yun kasi madalas, hindi na tinutuloy ng mga readers ang pagbabasa kapag madami ang typo's. Medyo masakit kasi sa ulo 'pag pilit mong iniintindi ang mga bagay na madaming mali, hindi ba?
Maganda ang isang prologue kung dun pa lang, ramdam na ng mga readers ang istorya. 'Yun bang tagos?
At ang pinakaimportante sa lahat ay ang writer. Kung masaya siya sa ginagawa niya, kung ramdam niya ang sariling istorya niya, at kung ang bawat pahina na isinusulat niya ay nagiging parte ng pagkatao niya, kahit saang anggulo mo tignan, magiging maganda at maganda ang istorya niya.
Paano gumawa ng mga magagandang linya?
Sa paggawa ng linya, kelangan mong mag-isip ng mga pangungusap na tumatagos sa bawat puso ng mga readers. Mahirap talagang gumawa ng mga linyang tatatak sa bawat puso ng mga makakabasa. Nasa writer na lang 'yan kung paano niya lalaruin ang mga salita at letra.
BINABASA MO ANG
Best Lines of my Story Contest Mechanics [Closed]
Non-FictionWe came up with this contest to boost the confidence of amateur writers and to share their amazing stories that have long been kept thus, remained undiscovered. Come and join us. Let's discover and share stories together!