ÿþPrologue:
Ako si Danna Constantino. Mabait, friendly at..matalino?! Ewan ko lang. Valedictorian ako nung grade school. Pero, medyo sumablay ako nung first year..alam niyo na..nagkaboyfriend kasi ako..niloko pero nagpakatanga pa rin ako. Harap harapan na nga kung makipaglandian sa ibang babae. Sige, puso pa rin susundin ko. Mahal ko siya e, kaya kahit isang sorry lang..patawad ko na agad.
Ilang beses na kaming nag-away. Madalas, ako pa ang gumagawa ng hw niya. saklap noh? ganyan talaga pag nagmamahal [o sadyang tanga lang talaga ako]. Patuloy ang pagiging martyr ko hanggang sa isang araw, nakipagbreak na siya sakin ng tuluyan.. Nalungkot ako. pero pagkatapos ng ilang buwan..natuto akong ngumiti uli.
Ngumiti.
Oo, ngumiti ng bukas na ang mata sa katotohanan na hindi dapat ang puso ang pinapairal.
Bagong buhay na ako..at ngayon..3rd year na ko. top 1 ako ng batch last year at patuloy na sumisibol at nilalaban sa ibang school.
Wala na akong panahon sa mga ganyang bagay. Pag-ibig? Haayy..saka na. Yung utak ko muna at ung pag-aaral ko ang mamahalin ko.
Pero, tuwing maiiwan ako sa kwarto ko..napapaiyak pa rin ako..
Utak o Puso? Alin ba talaga?
Sorry ah, masyado na kasi akong nasaktan e..
I may have memorized the periodic table as well as the geometric postulates but this one question has left me stumped.
Hanggang sa isang araw..nakilala ko yung taong makakapagbukas uli sa puso ko.
And this is where I learned my lesson.
-
Chapter 1:
First day na ng klase, nakakatamad naman..alang magawa. Yun pa rin naman kasi mga kaklase ko e. Hmm..tingin tingin sa skedyul..nakapagbasa naman ako sa lahat kaya di ko kailangang mag-alala sa kung anumang biglaang recitation. Kaya eto ako, titig sa kawalan parang timang..nang biglang may kumalabit sa akin..
Danna, tulala ka nanaman dyan. Palibhasa ready ka na sa kahit ano..
Oo, lagi naman e. Haii..
Uy, punta ka naman sa party ko sa bahay mamaya..dadating si Jan Pierre dun.
Sige, sige pupunta ako.
Ayun si Sarah..Sarah Layug. Ang bespren ko na mahilig sumayaw, magparty, gumimik at kung anu ano pa.
At sino naman si Jan Pierre? BF ko?? Hindi noh. asa naman. Yun ung heartthrob na soccer leader ng school namin. Mabait? oo. Pero, misteryoso. Madalas siyang itukso sakin ng barkada ko..alam niyo na..wala na kasing iabng mapagtripan.
Never akong nagkagusto sa kanya, at never na rin akong magkakagusto sa kanya.
Never na nga ba?
Chapter 2:
Party na nina Sarah, siyempre andun yung bakla kong kaibigan na si AJ. Hindi, ndi xa ung homosexual na bakla..conyo lang..at madaldal kaya bakla ang tawag namin sa kanya.
Tshirt at jeans.
Hehe. Ang simple ko manamit noh? Habang sila nakaspag, miniskirt..Hayy..di ko pinangarap ipakita ang legs ko ng ganyan noh.
Anyway..
Masaya naman..pool party kasi [hehe, tshirt at pants pa rin ako noh!].
At eto na, oras na para lapitan ang barkada.