ADAM ~
Ang tagal ko nang naghihintay. Ang tagal ko nang hinihiling na makita ka ulit.
Nasaan ka na nga ba? Star ko?
Sha.. Kung alam mo lang kung gaano na kitang kamiss.
Alam kong nagmumukha na kong tanga kahihintay pero di ako basta basta susuko.
Mahal kita at hanggang ngayon ikaw pa rin.
Sana bukas, makalawa, magkita at magkasama na ulit tayo. Di naman ako magsasawa sa paghihintay.
Naalala ko tuloy ung sinabi mo sa akin.
Throwback..
Nagtitingin ako ng mga star. Ang ganda kasi nila tignan mula dito sa baba. Nasa tabi kasi ako ng ilog.
Di ako natatakot kahit na ba sobrang dilim. 12:06am ang oras. Actually camping to ng batch nila ate Sab ko. Sinama nya lang ako. Boring nga e.
"In the middle of the night, do you think kids are allowed to stay at this time?"
<____<
"Who are you?" tanong ko sa babaeng nasa tabi ko. Di ko pa nakikita actually ang buong mukha nya pero alam kong babae sya. Boses pa lang kasi.
"I am Sha. And I went here because my brother is busy and he doesn't watch over me. Otherwise, he doesn't care about me." pagkasabi nya nun, napalingon ako sakanya.
Nagliwanag ang paligid. Feeling ko nasisilaw na ko pero..
Ang ganda nya. Para syang diwata.
"Something wrong?" tanong nya sakin tapos winave wave nya ung kamay nya sa tapat ng mukha ko.
Medyo nabalik naman ako sa katinuan ko.
"H-huh? Ummm.. So where's your brother?" tanong ko sakanya ng medyo utal.
"I don't know. You know.." tumingin muna sya sa sky bago magpatuloy.
"You shine like a star." pagpapatuloy nya sa sinabi nya.
Kung pwedeng mahimatay kanina pa ko nahimatay. Pero rinig ng dalawa kong tenga ang sinabi nya at ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko.
"Huy. Are you okay?" pagtatanong nya habang tinutusok ng dahan dahan ang braso ko.
"Y-yea. Okay lang ako. Umm.. I'm Axel. Nice to meet you." sabi ko sabay nilahad ko kamay ko para makipagshakehands. Ang ganda nya sobra.
"Ang cute naman ng name mo. Pati ikaw cute haha." sabi nya. At hinawakan ang kamay ko tinanggal nya naman agad.
"Tulala ka nanaman? Hehe." sabi nya tapos tumingala sya. Tumingala na lang din ako.
Silence.
Katahimikan ang bumabalot samin sa mga oras na to.
Babasagin ko na sana ang katahimikan pero biglang parang may kung ano ang lumanding sa balikat ko.
Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit alam kong ang bata ko pa sa mga panahong to pero kasi yun ung nararamdaman ko.
Ilang minuto na din ang lumipas. Mga sampong minuto siguro since nakatulog si Sha. Yeah alam ko ang name nya dahil inalala ko.
"H-huh? Who are--" pinutol ko ang sasabihin nya.
"Gising ka na pala. Nakatulog ka sa balikat ko eh. Gigisingin sana kita kaso mahimbing kasi tulog mo." malumanay na sabi ko sakanya.
"Buti sayo ako nakatulog. Thank you Axel." sabi nya tapos tumingin sa langit.
BINABASA MO ANG
Until I Find You (on-going)
Teen FictionDear Miss Pretty Girl, What will I do 'till I find you ~