Salamat at Paalam ♥

641 14 6
                                    

SALAMAT AT PAALAM

PAUNANG SALITA:

Ang Diyos ay gumawa ng tao at lahat tayo ay may kanya kanyang misyon na kailangan gampanan. Ngunit di tulad ko malapit na matapos ang aking misyon dito sa lupa. Parang kailan lang ang saya ko pa.  Ngunit kailangan ko na tanggapin na mawawala na ako sa edad kong katorse anyos di ko na matutuloy ang mga pangrap ko sa buhay. At etong sakit ko ay di malulunas ng simpleng gamot lang. At ako si Rizi Sanchez, eto ang aking istorya.

JULY 25,2011:

Heto ako sa St.Lukes Hospital at ang tahimik ,walang makausap at nalulungkot ako. Ang daming nakakabit sakin,tulad ng oxygen sa bibig ko. Etong mga nakakabit sakin ang ginagawa lamang nito ay para mabuhay ako ng matagal ,kaso kahit anong tulong nitong mga makina na ito gusto ko na sumuko dahil pagod na rin ako.

JULY 26,2011:

Dumalaw ang aking mga pamilya at kinakamusta nila ako kahit hirap akong makipagusap sakanila, nagtiyatiyaga parin sila. Ang  sabi nga nila sakin ang daming naghihintay sakin sa school at miss na miss na nila ako. Natuwa naman ako ng narinig ko yun at mas lalo ako natuwa ng gumagawa sila ng paraan para tulungan nila ako. Tulad ng blood donations, prayer chain at concert for a cause . Tumingin ako sa nanay at sa tatay ko na ,nakita ko sila umiiyak . Hindi dahil sa lungkot ,naiiyak sila dahil sa tuwa.

Agosto 5,2011:

Kakatapos lang ng chemotherapy ko. hindi madali ang pagpapachemotheraphy. Masakit ito sa ulo. Lagi ako naiiyak pagtuwing nagchechemotheraphy ako. Ngunit nandyan lagi ang nanay at tatay ko para magbigay ng lakas sakin at lalo na ang Diyos na lagi nandyan para alalayan ako.

“Rizi,anak,ayos ka lang ba?” tanong ng nanay ko .sumenyas lang ako sakanya na ayos lang. Ngunit ng nakita ko ang mga mata nila para silang nasasaktan.

“Diyos Ama,bakit hindi niyo na po ako kunin? Masakit din po sakin na makita ko ang magulang ko na nasasaktan.” ang nasabi ko sa sarili

Agosto 6,2011:

Wala munang bisita sa kwarto ko. Dahil sabi ng doktor ko na kailangan ko magpahinga. May napansin akong mga litrato  sa gilid ko, pinilit ko ang sarili ko na kuhain iyon. At nang makuha ko iyon tiningnan ko ito.

Eto pala ang mga litrato ko simula pagkabata hanggang sa ngayon. Ang unang litrato na tiningnan ko ay nung bata ako. Ang saya ko pa noon ,malusog at masigla. Naalala ko pa nga noon na mahilig ako makipaglaro at mahilig sumayaw. Tiningnan ko ang sumunod na litrato, naiiyak ako kasi ang mga sumunod na litrato ay yung nagaaral pa ko.

Grabe miss ko na ulit pumasok. Nung nasa unang taon ako ng hayskul , nanalo kami sa dulaan at ang dami kong kalokohan noon. At noong nasa ikalawang taon na ako ng hayskul , naalala ko ang mga kaartihan ko , pagiging maingay sa klase at yung panahon na pinagalitan ako ng math teacher namin dahil sa sobra kong kaingayan. Nakakamiss magaral. at ang huling picture na tinitingnan ko ay noong nasa ikatatlong taon ako ng hayskul.

At ang pinakamaganda sa litrato ay nandito lahat ng klaklase ko pati ang aming guro. Kahit di pa ko tapos sa ikatatlong taon ng hayskul madami na ding alaala na masaya para sakin. Tulad ng noong lakbay aral namin sa Laguna ,nagdala ako ng cellphone kahit bawal at ang ginawa ko pa ay nagpatugtog ako ng malakas sa bus na sinasakyan namin buti na lang walang titser nun.

Tapos noong battle of the bands namin , ako ang kumanta noon kahit sintunado ako nanalo parin kami. At ang huli ,lagi ko pinagkakalat sa klase na idol ko si Sisa. Siguro naadik ako sa istorya na noli me tangere. Nakakamiss talaga.

Gusto ko na bumalik sa School. Ngunit kahit anong gustuhin ko nanghihina na ako , parang di ko na mababalik ang dati kong sigla. Bigla ako napatingin sa gilid ko at may napansin akong papel. Pinilit ko ulit ang sarili ko na kuhain ang papel. At binuksan ko. Isa pala siyang liham na galing sa matalik kong kaibigan na si Agatha at sinimulan ko ng basahin ang liham.

Salamat At Paalam [ Complete ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon