Diary Ng Bad Breath (Chapter 1)

625 10 4
                                    

Chapter 1

Dear Diary,

Ang saya ko today, nagkabanggaan kami ni crush, muntik na kaming mag lips to lips, kaso, nung nagsorry ako, biglang siyang umalis :( naamoy ata ang hininga ko :'( ano ba namang life to?!

* * * *

Hi! Ako nga pala si Jennifer, 3rd year high-school na ako, simpleng babae na may simpleng pangarap, ANG MAGING ARTISTA! Kaso mukhang malabong mangyari yun, bukod sa kulang ako sa looks, kahindik-hindik din ang hininga ko, lahat ng nagiging crush ko, lumalayo sa kin dahil sa hininga ko na toh, wala naman akong kinakain pero ang lupet ng amoy, para kang nasa smokey mountain.. HAAAAAAAAH! Naamoy niyo ba? Lupet diba? HAAAAAAAAAAAH! Naamoy niyo ulit? Sabi nila, yan daw ang asset ko, pero eto ang asset na ikinahihiya ko....

Minsan sa mall, nakita ko yung crush ko...

"HIIIII!" Mahangin kong HI sa kanya

"Punyeta BULOK!"

Nagwalk-out siya at umalis ng mall kaya napag-isip-isip ko, "Bumili kaya ako ng toothpaste?"

Kaya agad akong pumunta sa Wetsens para bumili ng Colgate...

"Ma'am eto na po ba yung bibilhin niyo?"

"OHO!" Mabreath kong oo sa kanya..

Biglang pumanget ang pinta ng mukha niya, mukha siyang nabahuan..

"Ah, ma'am, pag bumili po kayo ng colgate, may libre pa kayong isa, promo po namin.. Hmmm baho"

"So pinamumukha mo sa akin na mabaho ang hininga ko?!" Na-offend ako sa sinabi nyang yon..

"Hindi naman po sa ganon, promo po kasi..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya kaya sinabunutan ko na siya at binalibag ko ng malufet

Habang nagsasapakan kami ay bigalang dumating ang baklang manager nila..

"Ma'am itigil nyo po yan!"

"Wag kang mangengealam dito, kamukha mo si chokoleit!"

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at binalibag ako ng malufet at dun ako naawat...

"Ano bang nangyari?"

"Eh kasi yang cashier nyo, pinamumukha sa kin na bad breath ako!"

"Eh totoo naman, eto colgate oh, LAKLAKIN MO TEH, palaman mo sa tinapay nang bumango yang hininga mo! Wag ka ng bumalik dito!" Sigaw ng manager

"Talagang hindi na!" Nagwalk-out ako pero bumalik din dahil nakalimutan ko yung colgate..

"Amin na yung colgate, magtotoothbrush pa ako!"

Pagkauwi ko ng bahay, dun ko lang naisip na, nakakahiya pala ang ginawa ko, lagot ako, nakasuot pa naman ako ng uniform non :((

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa hallway ng school namin, napansin ko na pinagtatawanan ako ng mga schoolmates ko, pati mga teacher tuwang-tuwa, pati ang principal namin ay push na push sa pagtawa, hindi ko alam kung bkit pero habang tumatawa sila, nakatingin sila sakin... Buti na lang at dumating ang bestfriend kong si Pauline, siya lang ang kaisa-isang tao na nakakatiis sa hininga ko...

"Bestfriend! Jennifer! Halika dito!" Sigaw niya..

Lumapit ako at nagtanong siya..

"Bestfriend, bakit ka nila pinagtatawanan?"

"Hindi ko nga din alam eh.."

Biglang dumating ang mean girls, sina Daphne, Steph , at Carla..

"HAHAHAHAHA! Bakit pumasok ka pa?!" Sabi ni Daphne

"Una sa lahat, talagang papasok ako dahil lunes ngayon, pangalawa, bakit nagtataray ka na naman babae ka?!" Banat ko

"Pwede? Wag ka ng magsalita? Gosh, panis yang breath mo, ang baho!" Asar niya

"Pwede? Tigilan mo ko babae ka?!"

"Sa kabila ng mga kahihiyang nangyari sayo, nakuha mo paring magtaray ha!"

"Anong kahihiyan?"

"Gosh, diba nakipag-away ka sa isang cashier sa Wetsens? Teh, may video ka! Viral ka na sa buong school!"

"Sinong nagvideo?!"

"Ako! HAHAHAHA!"

Sasabunutan ko na sana si Daphne pero inawat ako ni Pauline...

"Bestfriend , wag mong gawin yan, ok lang yun, malay mo, ma-ellen ka pa?!" Sabi ni Pauline

"Gaga! Nanabunot ako, hindi ako kumanta! At ikaw babae ka! Bakit ako ang binidyohan mo?! Bakit hindi nalang paglalandian nyo ng syota mo?! Mas magiging viral pa yon!"

"Ano ako baliw?! Bakit ko naman gagawin yon? Edi pinagtawanan din ako, tulad mo !Hahahahaha!"

"Una sa lahat, BALIW KA TALAGA! MAS BALIW KA PA SA BALIW! MAS BALIW KA PA KAY SISA!" Sinabunutan ko siya agad at gumawa ulit ako ng bagong scandal..

Nakita kami ng principal at pinatawag kami sa office, actually, hindi lang kami ang pinatawag, pati ang mga magulang namin...

"Sino ang nagsimula ng gulo?" Tanong ni Principal Reyes

"Ako po.." Sabi ni Daphne

"Bakit ka umamin?"

"Nagtatanong po kayo diba? Atsaka, ayoko ng patagalin pa, gusto ko ng umuwi!"

"Oh, ma'am, wala naman po palang kasalanan yung anak ko eh, baka pwede na kaming umuwi?" Sabi ni mama

"Eh kasi po mommy, may ginawa po yang anak niyo, kaya hindi pa po tayo pwedeng umalis... May video po yang anak niyo.."

"HA! Sex Video?!"

"Mommy, pwede wag OA? Buhos ko sa inyo tong kape eh! Scandal lang po, nakipag-away po yang anak niyo sa isang cashier!" Sabi ni principal

"Anak, bakit mo naman ginawa yun?" Tanong niya sa akin

"Eh kasi yung cashier, sabi niya mabaho daw yung hininga ko!"

"Ang babaw naman ng rason mo hija, atsaka, totoo naman eh!" Sabi ni Principal

"Eh ma'am, nasaktan po yung bata eh, natural mananakit yun, atsaka, pinagtotoothbrush ko naman yang anak ko eh.."

"Sumusunod ba?"

"Eh yun lang!"

"Sige na! Pwede na po kayong umalis, isama niyo na si bulok este si Jennifer.."

Pagkalabas namin sa office ay nagpaiwan muna ako kay Mama at pumunta ako sa park, gusto kong makalanghap ng fresh air, kasi hininga ko nalang yung nalalanghap ko eh, BULOK PA! Habang nakaupo ako sa bench, naisip ko yung mga ginawa ko, lahat ng tao ayaw sakin, diring-diri sila sa kin, lahat sila nilalayuan ako :( sakit ko naman kasi to eh, hindi ko naman kasalan to eh... Kaya habang napapaisip ako nun, tumutulo yung luha ko... Pero habang nagmomoment ako, may tumabi sa king gwapong lalaki at bigla akong tinanong...

"Miss, bakit ka umiiyak?"

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Abangan...






Diary Ng Bad Breath (Chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon