Chapter 2 (Continuation)

394 9 5
                                    

Chapter 2 (Continuation)

"Miss, bakit ka umiiyak?"

Hindi ako umimik dahil maaamoy niya ang hininga ko...

"Miss? Uy? Ok ka lang?"

Pero dahil ayokong magmukhang snob sa kanya, pinansin ko siya, pero nakatakip ang bibig ko para may defense..

"Ah, pasensiya ka na ha, ang dami ko kasing iniisip, you know? Mga projects? Homeworks?"

"Sus, sabihin mo na yung totoo, bakit ka umiiyak?"

"Sige na nga, kasi, lahat ng tao sa paligid ko, ayaw sa kin, lahat sila nandidiri sa kin :'("

"Bakit naman?"

"HAAAAAAAAAH!" Huminga ako ng full force

"Hmmmm! Yummy..."

"Gagi! Ngayon alam mo na kung bakit?"

"Sus, parang yun lang? Hindi naman masyadong mabaho ah, talaga bang yan ang basehan na kagandahan sa inyo?"

"Hindi naman sa ganon pero, syempre, ang saya-saya ng araw nila tapos masisira lang dahil sa kin, kaya lumalayo sila"

"Ang arte naman ng mga yon! Binabastos ka na nila ah!"

"Sus, kunwari ka pa, pero alam ko, sukang-suka ka na sa aroma ng hininga ko!"

"Bakit? Alam mo ba kung ano ang naiisip at nararamdaman ko ngayon?"

"Hindi.."

"Ayun naman pala eh, eh bakit mo nasabi yan? Crinitisize mo na ako agad... Parang ginagawa lang ng mga schoolmates mo sayo, hinuhusgahan ka nila agad... Wag kang mag-papaapekto dun.."

"Teka nga lang! Ikaw FC ka eh, ano bang pangalan mo?"

"Marc, Marc Santos! Sige, uwi na ako, see you! :)"

"Teka lang ako si Je....." Bago ko pa sabihin ang pangalan ko ay nagwalk-out na siya....

Pero, kinikilig ako! Kasi atleast, may lalaki ding kumausap sa kin na hindi nag-walkout :)) KILIG-KILIG!! Pero alam ko, ayaw talaga nun sa akin, mabaho hininga ko diba? Wala din akong ganda.... Hayyyyy... Sana siya na nga yun.....

* * * *

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko ang mga babae na tuwang-tuwa at naghaharutan habang nakatingin sa isang poster...

"OhMyGod! Ang gwapo niya! AHHHHHHHHHHHH!" Tili ni Steph

"Balita ko! Single daw yan! OMG! I can't believe pupunta siya dito!!"

Nakita ko na nakikipagsigawan din si Pauline...

"Huy, Pauline!"

"Best! Bakit?!"

"Kilala mo yung nasa poster?"

"Hindi"

"Eh bakit ang lakas ng tili mo diyan?"

"Nakikitili lang! Atsaka sinasapawan ko yung tili ng babeng toh ang ingay eh! AHHHHHHHHH! GWAPO!!! PAKISS AKO!"

"Teka, parang pamilyar yung mukha niya ! Ah ate, sino ba yung nasa poster?"

"Ah, si Marc Santos, yung Model na singer, magtotour siya dito sa school!"

"Oy, Pauline, yan yung kinwento ko sayo kahapon, yung nakilala ko kagabi!"

"Weh?! Ang gwapo niyan oh, ang panget mo!"

"Gaga! Siya nga yun!"

"OhMyGod best! Ang swerte mo! Ang pogi niyan oh, at bihira lang yan mafall sa chakang tulad mo!"

Diary Ng Bad Breath (Chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon