Edemsia Land"Ito ang batang babaeng makaka pigil sa Magical War." Sabi ng isang matandang babae na hawak hawak ang isang sanggol.
"Ang aking anak. Maaari ko ba siyang hawakan?" Saad ng isang babaeng nagsilang. Ibinigay ng matandang babae ang hawak nitong sanggol sa ina ng sanggol.
"Kay Gandang bata. " Masayang sabi ng babae habang hawak hawak ang batang sanggol.
"Ano ang kanyang pangalan , Reyna Mia?" Tanong ng Matanda kay Reyna Mia o Queen Mia.
" Athena . Princess Athena . " Sagot ni Queen Mia
"Napakagandang pangalan. Ngunit, ang pagsilang ng batang sanggol na ito ay ang hudyat na magsisimula na ang Magical War. " sabi ng matanda . Naging malungkot ang mukha ni Queen Mia dahil sa sinabi ng matanda.
"Oo. Alam ko Alemia. At darating ngayon si Manuel para patayin si Athena." Saad ni Queen Mia
"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ng matanda . Nag labas ng bolang liwanag si Queen Mia at nakikita na nila ang hinaharap.
"Maaaring ngayon na mismo darating si Manuel. Nararamdaman ko na siya." Sabi ni Queen Mia
"Sasabihin mo ba sa kanya ang totoo Reyna?" Tanong ng matanda sakanya. Napatingin si Mia sa matanda.
"Siguro. Nang sa ganon hindi mapaslang ni Manuel si Athena." Sagot nito sa matanda
"Mahal kong Miaaaa~~~~~~~ !!!" Nang marinig ito ni Mia ay bigla siyang naglaho. Nagtago sila sa Puno ng Buhay. Hindi sila makikita ni Manuel dito dahil isa itong mabuting puno. Pag nakakapit ka dito , hindi ka makikita ng mga masasama.
"Makinig ka saakin Alemia. Wag mo tong ipag sasabi sa kahit sino man ang pangalan ni Athena. Alam ko na ang mangyayari ngayon. Si Athena . Tumakas na kayo ngayon hanggat hindi pa tayo nakikita ni Manuel. Iwanan mo si Athena sa Magi Tree. Doon siya makikita ng lalaking magpapalaki sa kanya at sa takdang panahon ay makakabalik na si Athena dito sa ating mundo. " mataas na saad ng Reyna.
"Magi Tree? Diba ito ang puno na nasa labas ng ating mundo? Ligtas ba doon si Athena? Sabihin mo nga saakin Mia, ano bang mangyayari sayo ngayon?" Tanong ni Alemia kay Mia.
" Hindi ko pwedeng sabihin sayo Alemia. Basta sumunod ka na lang saakin. Gumawa ka na nang portal papunta sa mga mundo ng tao. " saad ni Mia.
Sinunod na lamang ni Alemia ang sinabi ni Mia. Nakagawa na si Alemia ng portal. Isang caster si Alemia. Papasok na sana si Alemia ng magsalita si Mia.
"Ngayon din pala ang panganganak ng mga reyna sa iba't ibang kingdom. Kailangan mong kunin ang mga sanggol na isinilang nila Alemia. Kailangan mangyari ang nasa libro." Saad ni Mia. Nabigla si Alemia sa sinabi ng reyna.
"P-pero? Hindi ko kaya. Sapagkat maraming bantay panigurado ang kanilang mga sanggol. Isa lamang akong caster Mia. Hindi ako elementalist." Sabi ni Alemia kay Mia.
"Alam kong kaya mo yan Alemia. Tandaan mo, ikaw ang namumuno sa mga caster. Kaya alam kong kaya mo yan. Diba bago ka naging isang pinuno ng mga caster eh marami kang kailangang mission na gagawin? Ito pa kaya ?" Sabi ni Mia na nagpa gaan ng loob kay Alemia. Nagpaalam na si Alemia kay Mia at pumasok na sa portal. Nakarating na si Alemia sa Magi Tree.
" Paalam , Princess Athena." Inilapag na ni Alemia si Athena sa tabi ng puno. Gumawa ulit ng portal si Alemia at papunta ito sa Air Kingdom. Nasaksihan ni Alemia ang Magical war. Naging malungkot si Alemia dahil sa Magical War ay maglalaban ang bawat Kingdom.