It's been six years simula ng guluhin mo ang nananahimik na buhay ko. Anim na taon na akong nagtatanong sa sarili ko kung bakit ko pinasok ang mundo mo. Di kitang magawang sisihin dahil alam kong kasalanan ko lahat ng ito. Kung nakinig lang ako sa kanila edi sana maayos pa. Edi sana wala akong iniisip na iba. Sana di ako nasaktan ng ganito. Sana...
Eto na naman ako sa puro SANA sa buhay ko. Sana ganito. Sana ganiyan. May magbabago pa ba kung paulit ulitin ko yang litanya kong yan. Wala naman na siguro. Mahaba ang anim na taong pinagsamahan namin pero hinding hindi na eto magbabago. Hindi na.
Naputol ako sa pag sisintir at pagiisip ko ng sobrang lalim ng tumawag ang anak ko at dali daling lumapit sakin hawak ang bulaklak niya na di ko malaman kung sang lupalop niya kinuha.
Hays, kamukang kamuka niya ang ama niya. Mula sa mata, matang noon ay nagpabighani hindi lamang sakin kundi sa libo libong taga hanga niya. Yung ilong niya na ang sarap pisilin. Yung pisngi niya. Yung kutis niya. Kahit pareho kaming maputi ng ama niya ay di mapagkakailang huli niya ang kutis neto na tila ay may lahi kahit pareho kaming pilipino. At yung mga labi niya, gayang gaya sa ama niya. Mga labing noon ang binibigkas lamang ay ang pangalan ko at kung gaano niya ako kamahal. Ang labi niya na noon ay dumadampi sa mga labi na tila nagsasabing ako lang ang mahal niya. Ako lang. Ako.
"Mommy!!!!" Sigaw sakin ni Jouan. Ang nag iisa kong anak na lalaki na ngayon ay dalawang taon na. Napansin niya sigurong nakatulala na naman ako sa kanya. Sino ba namang hindi magagwapuhan sa anak ko. He has the looks and charms ng ama niya.
"Yes anak kong gwapo pero ang dungis. San ikaw galing? Bakit ang dirty mo? Di ka na mukang bata." Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya na may bahig ng lupa. Siguro dahil eto sa bulaklak na kapit niya.
"I went to wowas house mommy. Kumuha ako ng flowers kasi I want to surprise you eh. Birthday mommy ko yehey!!!!" Hyper na sabi ng anak ko sabay yakap sakin at nagpakalong pa. Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi at inabot sakin yung roses na kinuha niya sa garden nila mama. Hinalikan ko din siya at niyakap at di inalintana ang dungis niya.
"Thank you anak kong gwapito na mana kay mommy. O siya, papaligo ka na kay yaya and then magbake tayo ng cookies at dalin natin kila wowa mo." Inaya ko si Jouan sa kwarto niya at ibinilin kay yaya na paliguan siya.
Itinabi ko muna yung flowers na kapit niya. Nasurprise talaga ako. Not only because of the flowers Jouan gave me pero yung part na birthday ko pala. Shocks! Nakalimutan ko ang sarili kong birthday. Sobrang busy ko kasi sa work eh. Hirap kasing maging single mom pero siyempre lahat ay kakayanin para sa anak ko at sa future niya.
Dahil ipinangako ko sa sarili ko na never akong hihingi ng tulong sa kanya. Pagkatapos niya akong iwan, hindi na ako ulit aasa pa na may paki alam siya sakin at sa anak namin. Tutal, matagal na siyang patay sa puso ko.
Matagal na. Anim na tao na. Anim na tao na simula nung makilala ko siya at maging parte siya ng buhay ko. At tatlong taon na din simula ng iwanan niya kami ni Jouan dahil sa pangarap niya. Oo, pangarap niya lang. Dahil never siyang nangarap ng para samin.
Siguro nga kailangan ko ng mag move on. Pero paano? Madaling sabihin kung ako lang naman ang involve sa sitwasyon. Pero dalawa kami ng anak ko ang nahihirapan. Aaminin ko, kahit ibigay ko ang buong mundo sa anak ko ay kulang pa rin dahil naghahanap siya ng kalingan ng isang ama. Lalo na ngayon at 2 years old na siya at lalaki pa. Lalo tuloy tumitindi ang kaba na balang araw at kwestyunin niya ako kung nasan ang ama niya.
Nasan nga ba ang ama ni Jouan. Asan na siya? Buhay pa ba siya? Malamang oo. Dahil hanggang ngayon ay maugong pa din ang pangalan niya sa larangan na tinahak niya. Pero gusto ko siyang patayin. Patayin sa sakit. Dahil iniwan niya kami eh. Iniwan na walang sapat na dahilan. Isa siyang duwag, makasarili at mapagpanggap. Kinamumuhian ko siya!!!

YOU ARE READING
Reaching For My Famous Star ♥
Teen FictionIsa siya sa mga sikat at tanyag na heartthrob na hinahangaan sa bansa noon at hanggang ngayon. Gwapo, misteryoso, lahat ng babae nahuhumaling sayo. Miski ako, nabihag mo. Pero sino nga ba ako? Ako lang naman ay isa sa milyong milyong taga hanga ng g...