SIMPLENG GABAY SA BUHAY
Madalas nating sabihin
"ang buhay, parang life"
Kasi may lungkot, may saya
Minsan tahimik, minsan may problema
May mahirap, may mayaman
May pangit, may maganda
In short, ang buhay natin, iba-iba.
Marami tayong gusto
Maraming hinihiling at dinadasal
Lahat sa isip natin
Para sa ating kasiyahan
Di nga natin iniisip
Kung ito ba ay tama at nararapat
Sino ba ang mag-aasam
Isang bagay na maging dahilan
Kalungkutan at kapahamakan.
Wag malungkot, wag magdamdam
Lahat sa tamang oras ay nakalaan
Bagay na di makamtan
Ating tanggapin sa atin ay di laan
Tanging MAYKAPAL lamang
Nakakaalam ng mabuting dahilan
Kailan man di NIYA tayo pababayaan
Manalig sa kanyang pangako
Buhay na walang hanggan.
Sana kahit pano, ma-enlighten makabasa nito ..... :-)