Leaf 2

2.6K 109 3
                                    


I am still hoping na magiging maayos ang pagtanggap ninyo sa bago kong bida. Medyo iba si Leaf sa mga ibang naging bida ng story ko pero I will assure you guys na may matutunan din kayo sa kanya. He will represent the other side of our personality. Enjoy Reading!




<KRINGGGGGGGGGGGGG!!!>



Sa kabila nang labis na antok ay pinilit ko pa ring bumangon para patayin ang alarm clock ko na kanina pa nag-iingay dito sa loob ng apartment ko. Katulad ng marami pinaka-ayoko sa lahat ay ang paggising ng umaga,daig ko pa ang mga estudyante sa pagrereklamo pero katulad din nila wala rin akong choice kung hindi bumangon. Kung maaari lang sanang humiga ka na lang maghapon at maghintay ng biyayang malalaglag mula sa langit, hay naku eh di sana solve na solve na ako...pero hindi eh hindi naman Juan Tamad ang pangalan ko kaya kailangan kong kumayod. Bago pa ako mag-isip ng kung anu-anong bagay ay nagpasya na akong tumayo para makapaghanda sa pagpasok ng trabaho.




Apat na taon na din ako sa apartment na ito at ako lang mag-isa ang nakatira dito. Lumaki rin kasi akong mag-isa at laking boarding house kaya hindi na rin ganun kahirap sa akin ang manirahan ng mag-isa , kung baga sanayan lang. Ito na rin siguro ang epekto nang mamuhay mag-isa mas naging focus ako sa kung paano ako magsusurvive sa pangaraw-araw. Long story kung ikukwento pa pero masasabi ko na hindi naging madali ang buhay ko.



Matapos maligo at papakin ang tinapay na baguette kasabay ng isang mainit na kape ay inayos ko na ang gamit ko papalabas ng kwarto.



Oo nga pala at kakailanganin kong magcommute at makipag-gitgitan sa mga estudyanye at nagtatrabaho ngayon dahil sa nangyari sa sasakyan ko kagabi. Matapos akong bastusin at takbuhan ng lalaking iyun ay wala na akong nagawa kung hindi ideretso ang sasakyan sa pinakamalapit na talyer dahilan para mas gabihin pa ako sa pag-uwi kagabi. Hindi na rin pa ako nag-aksaya ng panahon na habulin pa ang lalaking iyun dahil tiyak na mauuwi lang iyon sa away at yan ang bagay na hindi ko gustong mangyari. Para sa akin ang away at gulo ay mga walang kwentang bagay na sumisira lang sa isang magandang relasyon. Hindi ko rin alam kung bakit yan ang tingin ko o baka dahil na impluwensyahan na lang din ako ng trabaho ko.


Matagal ang naging byahe ko papasok ng opisina dahil bukod sa napakakupad na daloy ng trapiko sa Metro Manila ay putok din ang dami ng tao dala ng rush hour. Nakakahiya man ay kinailangan kong pumasok ng late sa trabaho na hindi ko naman nakasanayang gawin dahil ayoko rin na may masabing hindi maganda ang mga katrabaho ko pagdating sa aking professionalism.



"Good morning ho Sir Leaf, mukhang tinanghali tayo ha" bati sa akin ng pangumaga gwardiya sa opisina.



"Magandang Umaga din ho, masyado lang ho talagang malala ang traffic ngayon"nakangiti kong sagot dito bago ako tuluyang pumasok sa loob.



"Hi Pareng Leaf, aba talaga nga namang late comer ka ngayon ha. For the first time nadumihan din natin ang record ni Leaf! Isang himala!!" Nang-aasar na bungad sa akin ni Arlo isa sa mga kaopisina ko na HR manager ng kompanya.



"Maganda yan Babyboy, ipagpatuloy mo yan para naman may maipintas kami sayo. Padumihin mo pa ang record mo para bongga na!" dugtong naman ni Meg na katulad ko ay isa ring love agent.



"Naku kayo talaga, ako na naman ang pinagdiskitahan ninyo. Medyo nagkaproblema kasi sa sasakyan ko kagabi kaya nagcommute na muna ako." Tanging nasabi ko sa mga ito.




"Ano ka ba okay lang yun baby boy para naman hindi ganun kasama ang image namin kay Ms.Sandra. Keep it up we're so proud of you" dagdag pa ni Meg na tinawanan ko na lang.



Leaf's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon