Can't See Love

68 1 2
                                    

Michael's POV

Tumatakbo ako ngayon. Hinahabol ang bus na sinasakyan ng babaeng mahal ko

oo. mahal ko sya.

Matagal na pero hindi ko yun sinabi

at hindi ko hahayaang mangyari yun ulit

bago mahuli ang lahat

dapat masabi ko na sa kanya

"Nikki! Nikki! Bumaba ka dyan!" sigaw ko habang pinapalo ang gilid ng bus

Nakikita ko sya ngayon. Nasa may bintana sya nakaupo malapit sa pinto. Nakatingin sa malayo

"NIKKI!" sigaw ko

Hindi. Hindi ako pwede tumigil! Hindi ako papayag na umalis sya

Kahit habulin ko pa tong bus na to kahit san

Basta hindi ako titigil.

Gusto kong itanong sa kanya...

ba't di ka na nagpakita sakin?

Tapos ngayon aalis ka! Ano sa tingin mo mararamadaman ko?

Kaya di ako papayag...

"NIKKI!"sigaw ko kahit hingal na hingal na ako sa kakatakbo

"Hindi ako papayag..."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumigil na pala ako sa pagtakbo...

Nadapa na lang kasi ako bigla

Hindi kaagad ako nakatayo

Ba't ako huminto?

Hindi! Hindi pwede! Si Nikki!

Nakita ko na ang bus na papalayo...

"NIKKI..." bulong ko na lang sa sarili ko

Wala na sya... wala na sya

Hindi ko na sa kanya masasabi

Hindi ko na sya makikita pa

Hindi ko na...

Tiningnan ko ulit yung bus... nakita kong tumigil

Hindi yun ganun kalayo

Pero kahit masakit pa ang paa ko ay pinilit kong tumayo...

Binilisan ko ang paglakad

Hindi ako susuko...

Katulad ng pagsuko ko sa nararamdaman ko sayo dati...

Sasabihin ko na sayo ngayon...

Nung malapit na ako sa bus ay nakita kong may bumaba...

At nagulat ako ng nakita ko sya

Si Nikki!

Dali-dali akong lumapit pero bigla akong napatigil ng nakita ko syang may dalang stick. Ginamit nya yun pangkapa sa sahig...

I was just a meter away from her

Figuring out kung bakit...

At nung naisip ko na kung bakit ay napasinghap na lang ako

Sana po hindi totoo tong iniisip ko...

"Nikki..."sabi ko

Nakita kong nagulat sya...

Lumingon sya sakin...

Pero hindi sya nakatingin sakin

Bigla na lang syang ngumiti sakin at nakita kong tumulo na lang bigla ang mga luha nya...

Can't See LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon