"Ang mga lalaki, sa una lang yan sweet"
Eh nakampots naman. pano mo sasagutin kung di sya sweet? di ba? hahahaha dapat kase patagalin mo.. dun mo malalaman kung kaya nya maghintay o ano ang mga pagbabago na magagawa nya. :) pwede naman maging mag-MU muna. problema kase dyan maging sweet lang, mabilis na ma-inlove. oo alam na alam ko yan. yung mabait,sweet at nasasandalan talaga naten yun talaga ang kadalasang ugali na nagagawang mapahulog ang loob naten, kaya nga maraming nai-inlove sa bestfriend nila eh. pero onting pigil kung ayaw mo masaktan. ;)
"Di na tumigil sa pag-dota (oh ano mang ginagawa nya na bago pa maging kayo)"
Isa pa tong problema. minahal mo ng ganun wag mong baguhin pwedeng bawasan, pero wag pa-TIGILIN, napapansin ko yan sa maraming magb-bf/gf eh. kaya maraming nagb-break isa na to sa mga dahilan. intindihin nyo din yung mga kasintahan nyo. kung kayo kaya yung gustong gusto nyong gawin, pinapatigil nya kayo? anong maf-feel nyo?
"Di na sya nag-reply"
JUSKO BRAD/TEH malay mo naman naubusan ng load. okaya naman naligo, may inutos yung nanay o kaya may pupuntahang mahalaga kaya di na agad nakapagpaalam. juskobelibels. ANO BAAA di naman pwedeng laging kayong magkasama dahil minsan nagkakasawaan na rin at sa sobrang pagsasama nyo di maiiwasan na pag-usapan ang mga bagay-bagay na syang pwedeng pagmulan nang away. try nyo mag-pamiss sa isa't isa para di kayo masakal. mas masarap kaya sa feeling yung nami-miss nyo yung isa't isa haha mas lalong lumalalim yung pagmamahal. PERO WAG NAMAN YUNG ILANG BUWAN NA WAG MAGPAKITA. nakaka-ulol yun hahahahaha yung kahit isang araw lang pero syempre may usapan pa rin sa phone ganern di ba mas nakakapag-pamiss yun hahahahahaha
"May nakita akong kasama nyang babae/lalaki tas ang sweet pa nila"
Alam mo ba ang nangyari bago ka dumating? Maraming nasasayang na relasyon dahil dito. eto lang yan eh "Bago ka gumawa ng AKSYON, mangalap muna ng IMPORMASYON" wag mo agad sya direktang tanungin. sinong lasing ang umamin na lasing na sya? ganun din sa manloloko. di yan aamin. kaya magtanong ka sa mga kaibigan nya okaya sa madalas na makakita sa kanya at sa babaeng/lalaking kasama nya at lalong lalo wag ka makikipag break dahil lang sa nakita mo. "To see is to believe" weh? di ako naniniwala dyan. well, minsan oo, pero depende sa sitwasyon. hahaha tsaka mo lang sya tanungin pag alam mo na yung sagot. di ba mas malaking sampal at mas maginhawa sa pakiramdam yun lalo na pag nag break kayo atleast di ka sumuko agad ng walang ginagawa. at masasabi mo talagang sya ang gagong/gagang nanira ng relasyon nyo haha. pero kung nakita mong nakikipaghalikan o may ginagawang kababalaghan, eh wag ka muna aalis titigan mo panoorin mo kung bibitaw. pag hindi, video-han mo sabay tanong sa kanya pag tumanggi, sampalin mo tas hampas nung video sabay sabing "Lokohin mo lelang mo wag ako. gago/a ka lolokohin mo na lang ako sa mukha pang itlog na tinubuan ng mukha" palipad buhok wahahahahahaha
"May crush syang iba"
NAKAKALOKA. hahahahaha nakakatawa lang yung mga ganito na umiiyak pa dahil lang don. duh na lang. Tanggapin na lang na may mas maganda/gwapo pa sayo. Pasalamat ka na nga na ikaw ang pinili nya. di naman porke't crush nya eh sya na yung mahal. di ba pwedeng humahanga lang? wag isarado ang utak, yan ang unang step ng pagiging TANGA. Okay lang naman na magka-crush sya sa iba. pero dapat wag dadating sa punto na mas pinagtutuunan nya na ng pansin yung CRUSH nya kesa sayo at harap-harapan kang lalaitin at ikukumpara sa crush nya. sampalin mo pag ginanon ka. chos hahahahaha ok lang naman na lait-laitin mo yung crush nya nakakataas kaya yun ng pagka-babae/lalaki hahahahahaha kahit ikaw lang nagsabi. atleast di ba alam mo na kung meron sa nung wala ka. aba meron ka rin nung wala sya. :)
~
eto na lang muna hahahahahaha. ano pa ba mga problema ng babae at lalaki? hahahaha