My Pretty Boyfriend

13 0 0
                                    

Main Cast:
◆Emmanuel "Ella" Moreno
◆Alena "Natividad" Padilla

Si Ella Moreno, o Emmanuel David Moreno sa kanyang NSO birth certificate, ay isang mayaman at sikat na modelo/tagapagmana ng bansa sa ngayon. Dahilan upang maging lapitin siya sa peligro. Marami ang nangangarap na makuha siya at ang yaman niya. Kaya marami rin ang nagtangkang mangidnap sa binatang-mukhang-dalaga nating bida.

Dahil rito, naisip ng ama ni Ella na maghanap ng mga professional na agents upang maging personal na bodyguard nito.

Sa kabilang banda, matunog ang mga pangalang "Agent Ricardo Dalisay (Agent Cardo)" at "Agent Alena Padilla (Agent Kurba)" dahil sa mga angkin nilang katapangan, katalinuhan, at kahusayan. In short, KKK. Dahil rito, napagpasyahan ng ama ni Ella at ng agency nila Alena na kuhanin ang 2 bilang personal bodyguard ni Ella.

Ngunit dahil sa kagustuhan ni Ella na maging malaya at dahil narin sa ayaw niyang magkaroon ng bodyguards ay napagkasunduan ng mga ito na magpapanggap sila.

Si Cardo ay magpapanggap bilang si "Paloma", ang kikay na stylist kuno ni Ella. Samantalang si Alena ay magpapanggap bilang si "Natividad/Natty", ang clumsy personal maid niya upang maprotektahan lamang ang bakl-- este dalagang binatang Moreno.

Ilang buwang asaran, sakitan, saksakan, barilan,--- ay sorry sorry. Asaran at sakitan lang pala.

Take two.

Ilang buwang asaran at sakitan ang nagaganap sa baklang binata at sa batikang babaeng agent.

Pero paano kung mahulog sila sa isa't-isa?

Uusbong ba ang isang love team na di inakala?
O magkakaroon lamang nang matinding World War III?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pretty BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon