-to

13 1 0
                                    

NOTE sa sarili: time check 2:01 am at nagtatype pa din ako, pang baliw lang haha, pero may nabasa talaga akong story na super ganda, kaya gising pa din ang lola nyo, haha XD

Hay so ako pala si Drei (paulit ulit talaga ang pagpapakilala haha), babae ako di lang halata, at ako ang masasabi mong typical lazy ass college gal, ow yeah... ako ay nakatira sa kweba ng aking tiyahin sa malayong lupain na located sa planetang crazy... isang first year college na hindi malaman paano nakapasa ng entrance exam, haha... dito sa planeta namin, ang pasaway ang bida, ang mga mababait kunwari at matatalino kunwari ahy walang kwenta (huwag kang magtaka ganyan talaga) dahil nabasa nyo naman ang pagpapakilala ko, isa ako sa mga kilalang student sa school.. kasama ko ang mga barkada ko na tawagin na lang nating tropang candy... wag paloloko sa name ng tropa dahil total opposite nun ang mga ugali namin, halos bitter lahat ang members, ewan kung bakit samantalang wala namang mga boyfriend haha....

meet the Tropang Candy (tenenen)

-of course ako, si Drei pero kilala bilang Mentos

-si Potchie

-si Mallow

-si Bhey (ang nag-iisang prinsesa ng tropa haha, sabi niya)

-si Bon

-si Gai (pero hindi gay XD)

-si Lhes

-si Ligaya

-si Lhaine

-si Vice

-si Sexy

ayan kumpleto na kami haha... nuong una xempre hindi talaga kami magkakakilala, hindi nga kami close nuon ng mga iyan eh, iba iba kasi ang mga personality namin, pero sinong mag-aakala na mabubuo ang samahang walang makakagiba... 

isang tropang binubuo ng kabataang may mga ibat-ibang problema, pero nagsamasama para malagpasan ang mga ito, upang magbigay ng inspirasyon at suportahan ang bawat isa, pasaway man sa paningin ng iba pero biyaya para sa isa't-isa... maglasing, mag absent, magpalate, hindi magpasa ng assignments, pagtulungan ang classmate, magtsismisan, maglandian, magboy hunting, lahat yan nagawa na namin, (well pasaway ngang grupo dibah, what do you expect) pero kahit anong mangyari one for all, all for one kami... laban ng isa laban ng lahat, kaya kahit mga pasaway masaya akong makilala sila...

pero kahit na mga pasaway may nagagawa namang mabuti, may mga nag DL na din sa grupo, may mga dancer, may aspiring singers, may model, may actress at mga maka berde or should we say makakalikasan at makabandila, haha.. kaya pag sinabing tropang candy isa sa mga active  volunteers ...

Lahat ng kabataan, dumadaan sa peer pressure, identity crisis at minsan walang magulang o guardian na nakakagabay sa kanila, kaya ang mga nakakasalamuha at nakaksama nila ay may malaking impluwensya sa kanila, kaya sana hindi tayo magkamali sa pagpili sa mga taong pakikisamahan natin

=================================================================

chos tapos na din tong isang chapter na ewan haha... so feeling ko, nagsusulat talaga ako ng maayos pero hindi haha, pero masaya na din ako matype ang nasa utak ko haha ^____^v

Tropang CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon