Chapter 1;

5 1 0
                                    


CHAPTER 1:

"Ano ba? Hindi ka ba talaga babangon dyan?! Ilang minuto na lang mala-late ka na!" Sigaw ng mommy ko. Eh sa tinatamad pa akong pumasok. Tsaka I'm busy pa, busy kakaisip sa asawa kong si Xiumin ng EXO. KYAAAAAAH! Ano ba Shumen beybeh, di ka ba napapagod tumakbo sa utak ko? Charrrr!


"Jobella! Pag di ka pa bumangon di kita papayagang sumama sa mga kaibigan mo!" Agad akong napabangon sa sinabi ni mommy.


Huhuhuh! Di pwede, ilang buwan din namin pinagplanuhan ang pagpunta sa Seoul eh. And here we areee! Pupunta na! Makikita na namin ang mga asawa namin *.*


"Mameh! Eto na po! Babangon na po ako!" Sabi ko at agarang bumangon sa kama. Bago ako lumabas inayos ko muna ang sarili ko at ang kama ko. 


Pababa na sana ako ng may nakalimutan ako. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Pumunta ako sa harapan ng salamin kung saan nakaipit ang picture ng asawa kong si Xiumin. Whahahaha! Why so cute, my future-husband? Bakit ikaw ang pinaka cute kahit isa ka sa pinaka matanda?


"JOBELLA!" Nagulat ako sa sigaw ni mameh. Nako po! Lusya, ang dragon! Nagbubuga na ng apoy.


"Bye na asawa ko. Magkikita ulit tayo mamaya." Hinalikan ko muna sya, I mean hinalikan ko sya. Through, picture. Charr! Alam ko namang ganyan ka din eh.


Pagkababa ko, nagsimula na naman sa kakatalak ang nanay ko. "Nako Jobella Min!" Iritang sabi nya habang naghahanda ng pagkain sa mesa, "Di ko alam kung bakit ka addict na addict sa k-pop na yan! Naku~ Pasalamat ka, at dahil dyan matataas ang grades mo dahil sa INSPIRATION kuno mo! Kasi kung hindi, mararanasan mong tumira sa labas ng bahay"


"Mameh as if naman kaya mong gawin yan sa prinsesa mong napakaganda?" I asked raising my left eyebrows.


"Kala mo sa akin? Di kaya yun?" She asked.


"Opo, you can't. Kasi yung maganda kong skin baka maexpose, di na ako magustuhan ni Shumen beybeh ko. Tsaka mameh, ang ganda ko para matulog sa labas." Sabi ko at kinagat ang tinapay na hawak ko.


"Nako! Yang kulay mo? Yang puting yan?" She paused at tumingin sa cabibet at may kinuha, "Gluta lang yan! Kaya wag kang ano! Kala mo di ko alam na nagamit ka ng gluta?" Tanong nya at ipinakita sa akin yung hawak nyang SPF 27. Pake ba ni mameh?


"Luh, mameh! Ayoko naman kasing pag pumunta ako sa Korea, eh mas maputi pa yung pinsan ko" Duh. Talo na nga ako nun sa kaputian eh. 


"Aish! Lumayas ka na nga lang! Shoo! Nang mawalan ng maingay ang bahay na 'toh. Layas!" Napanguso ako dahil sa sinabi ni mameh. Ayaw nya na ba sa nag-iisang dyosang diwata'ng anak nya na nabubuhay sa mundo?


"Mameh? Don't you love me?" Huhuhuh. I asked, sniffing. Kunwari naiyak ako, aba! Mauuto ko rin tong nanay ko pag nagkataon.


"Oo! Kaya lumayas ka na!" Napakamot ako sa batok ko ng sinabi yun ni mameh. Kala ko pa man din mauuto ko sya. Tsk!


Lumabas na lang ako ng bahay, pero bago pa man ako makalabas biglang humarang si Kuya. Anu'beyen! Pinalalayas na nga ako ni mameh eh.


"Kuya! You should go away away! Mom said na lumayas na daw ako here, so shooo! Dadaan ang dyosa!" Sabi ko at tinulak sya ng bahagya para makadaan.


"Hoy piling-dyosa mag pahatid ka kay Manong Alberto!" Sigaw nya ng makalayo ako ng bahagya sa kanya. 


"Ayoko! I'm fine with this bike of mine, kuya. Simple lang ako duhh~" Sabi ko at inirapan sya. Yung irap na ako lang ang makakagawa. Bakit? Kasi dyosa ako. (Nuh connect?)


Sumakay na lang ako sa bike ko at sinimulang tahakin yung daan papuntang school. Nang may biglang sumabay sa akin, sa pagpapatakbo. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ito. Alam ko namang si Ceekae yan eh.


Katulad ko, maganda sya, kaso mas maganda nga lang ako. Charr! Hindi totoo nga, mas maganda ako sa kanya.


"Morning, Jobella." Malambing nyang sabi sa akin, you know. We're best friends.


"Morning din Cee" Sabi ko at huminto, "Una ka na Cee may bibilhin lang ako okiie?" 


Isang tango lang ang isinagot nya sa akin bago nagsimula muling patakbuhin ang bike nya. Ako naman, bumaba sa bike ko at hinawakan ko ito sa magkabilang manibela at nag lakad (gets nyo? Pag hindi, edi hindi. Kasalanan nyo na yun!) 


Naglakad-lakad lang ako hangang sa marating ko na ang gusto kong puntahan. Sa tabi ng kanto, may dental clinic. Agad kong itinabi ang bike ko at kumatok. Ayt, wala pang tao. Kakatok pa lang kasi ako nakita ko na yung yellow flash card na may nakalagay na 'CLOSE'.


Napabuntong hininga ako at napanguso. Anu ba yan! Babalik na naman tuloy ako mamaya.


--++--


THANKS FOR READING


Jobella Gueil at the multimedia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon