Chapter 13

34 1 0
                                    

NARAMDAMAN  ko ang tensyon sa aking katawan ng hinihintay ko ang dapat na sasabihin ni Adrian. Is that it? Is that the three words that i’ve been wanting to hear? Parang biglang tumigil ang mundo ko at napokus lahat ang atensyon ko sa sasabihin niya.

But then Mrs. Arias came at hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. I felt my chest tighten in anticipation but it came boiling down. Sakit talaga umasa. (Laughs)

Natapos ang klase at nandito kami ngayon sa room org (organization) ng Sining Harmonica. Pag uusapan ang gaganapin sa intramurals. Although it's one sem away pero kailangan ng paghandaan. May iimbitahan din kasi kaming ibang mga banda at mga guest. Sa Intramurals night kasi namin gaganapin ang acoustic night na pakulo ng organization namin. They suggested na dapat magkaroon ng ticket for a cause. Since may iimbitahan din kaming ibang bands outside the school at pwede ding makapanood ang ibang estudyante galing sa ibang unibersidad so might as well magkaroon ng ticket pass.

Saka may dadating na alumni ng Sining Harmonica. I feel excited. Its also for a good cause. The funds will go to the public schools who needs more books and chairs. Kami na din ang mag aasikaso na mga bibilhing libro at upuan. Kami na din ang magdadala ng mga ito sa mapipiling school.

Ang head ng organization ay nag-suggesst na dapat yung mapipili namin ay iyong malayo sa kabayanan. Kasi sila nga naman ang mas nangangailangan ng mga librong ito.

“Bakit hindi natin dagdagan ng mga school supplies para sa mga bata doon. Like bags with notebooks and everything na kelangan sa school. Im sure madami ang bibili ng ticket natin.” Si Adrian

Bigla akong napabaling ng tingin kay Adrian. I was just surprised. Before kasi hindi mo siya mariringan ng kahit ano kapag may ganitong meeting sa club. He just nods at kung saan ang majority doon lang din siya.

At dahil magkatabi kami ng upo. Lumingon ito sa akin at kumindat na may kasamang makulit na ngiti.

My heart skips. Damn!

Narinig kong tumikhim ang president ng club si mrs. Allison. She is teaching PE 4 as well and in her late thirties. She has this aura na talagang kagigiliwan mo. Mabait at madaling lapitan. Parang ate nga namin siya dito sa org. Hindi pa naman daw siya katandaan para maging nanay naming lahat.

“Good suggesstion Adrian. So dapat masigasig kayo sa pagbenta ng ticket.” Kumindat din sa akin si Mrs. Allisson.

Napakunot noo ako. Hindi ko na lang binigyan pansin.

“We could also make it as an early christmas gift giving? Like, White Christmas they say.” Dagdag pa ni Adrian. I am trully amazed, what can i say.

“Right, right. Very good Adrian. So we’re clear with the cause okay. Ngayon ang susunod na gagawin natin is maghanap ng school na bibigyan natin ng mga ito. Lahat pwedeng mag suggest then saka natin pagpipilian okay..” Wika pa ni mrs. Allison.

“..and also sa mga magpeperform sa acoustic night natin i think we should do a duet. Why not Alexa and you adrian do a duet. We never heard you sing a duet.”

Bigla akong napaangat ng tingin kay mrs. Allison. Nakita kong may mahiwaga itong ngiti na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Adrian. Narinig ko din ang pag sang ayon ng mga kamiyembro namin.

“Ay, oo nga. Go Adrian, Lex.” Ani Lisa, ka-miyembro namin.

“Im sure maganda ang melody nyo. Go!” Biboy

“Nice! I think this  will gonna be good.” Perry

“Actually, bagay kayo.” Si Pinky  na may nanunuksong ngiti sa amin.

Unveiling LoveWhere stories live. Discover now