Ang paslit na si Alena

1.4K 22 9
                                    

"PIRENA,  halika na! Puntahan na natin ang bagong silang nating kapatid na si Danaya!" Hinila patayo ni Alena si Pirena na nakaupo sa higaan nito.

Hindi pa man lubos na nakakatayo si Pirena ay mabilis nang tumakbo si Alena patungo sa silid ng kanilang Inang Reyna, si Mine-a.

Pilit namang tinatanggal ni Pirena ang pagkakahawak ni Alena sa kanyang kamay. Binabagalan din niya ang kanyang paglakad upang hindi siya gaanong makaladkad ng kanyang apwe. "Alena, bagalan mo ang iyong takbo. Ashtadi!"

Tila hindi naririnig ni Alena ang kapatid bagkus ay mas binilisan pa niya ang paglakad.

"ALENA, SINABI NANG BAGALAN MO ANG IYONG MGA HAKBANG!"

Nagulat si Alena sa mataas na boses ng kapatid kaya siya napatigil sa paglalakad. Nang nilingon niya ito, isang iritadong Pirena ang kanyang nasilayan.

"Napakakulit mong bata ka. Isa pa, bakit ba sabik ka na naman kay Danaya? Makailang beses mo na siyang dinalaw ngayong araw?" Nakataas ang kilay na tanong ni Pirena.

Lumapit si Alena kay Pirena at hinalikan niya ito sa pisngi. "Paumanhin Pirena, nasasabik lang ako kay Danaya... Huwag ka nang magalit." Panunuyo ni Alena sa kapatid.

Pinipigilang ngumiti ni Pirena dahil sa panunuyo ng kanyang kapatid.

Napansin ito ni Alena kaya tinudyo ulit ang kapatid. "Ngingiti na iyan. Ngingiti na ang aking magandang kapatid.."

Napangiti si Pirena ngunit agad na binura ang ngiti at itinaas ang kilay. "Sheda Alena! Ang mabuti pa ay ikaw na lamang ang magtungo sa silid ni Ina."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Alena.

"Magpapasama ako kay Dama Gurna upang mamasyal sa labas. Maiwan na kita." Tumalikod si Pirena at naglakad palayo.

Bago pa man makapasok si Alena ay naririnig na niya ang boses ng kanyang ina at ni Imaw.

"Isa na namang biyaya mula kay Emre ang dumating sa iyo Mahal na Reyna." Narinig ni Alena ang tinig ni Imaw.

Lumapit siya sa mga ito at nagtago sa isang malaking halaman upang hindi makita ng dalawa.

"Isa ngang napakagandang biyaya Imaw. Napaka ganda ng aking bunso."

"Natupad na din sa wakas ang kagustuhan ni Emre na isilang mo ang mga susunod na tagapag-mana ng mga brilyante."

Nakita ni Alena na ngumiti ang Ina ngunit tila may kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Tila may lungkot sa iyong mga mata, Mine-a." Puna ni Imaw.

"Hindi ko lang maiwasang mangulila sa isa ko pang anak Imaw. Kung sana ay nandito si Amihan, tiyak akong magagalak pang lalo si Alena. Buo sana ang aking kaligayahang makitang buo at nagmamahalan ang aking mga anak."

Alam ni Alena na mayroon pa siyang kapatid ngunit hindi niya alam kung bakit ito wala sa kaharian. Nagpasya na siyang umalis dahil batid niyang masama ang makinig sa usapan ng may usapan ngunit napatigil siya nang magsalita si Imaw.

"Batid mong lubhang mapanganib ang Encantadia para sa iyong mga anak lalo na kay Amihan. Narito lamang ang mga kalaban."

Nagulat si Alena sa sinabi ni Imaw kung kaya't nakagawa siya ng ingay.

Napatayo si Mine-a. "Sino iyan?"

Nakadama ng kaba si Alena kaya naman ginaya niya ang tinig ni Banak at Nakba. "#*b&%*#$..."

Narinig niya ang kanyang ina na tumawa. "Imaw, tila kilala ko na ang nakikinig sa ating usapan."

Kumabog pang lalo ang puso ni Alena sa kaba. Hindi ba gumana ang kanyang ginawa?

"Tinig iyon ni Banak at Nakba Imaw."

Tila nabunutan ng tinik si Alena. "Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ni Ina. Makaalis na nga lang." Bulong niya sa sarili. Tatalikod na sana siya ngunit nakita naman niya ang kanyang ina na tinitignan siya na tila ay may ginawa siyang masama.

"Sinasabi ko na nga bang ikaw ang may-ari ng tinig na iyon, Alena."

Ngumiti si Alena ng pagkatamis tamis. "Patawad Ina.."

Ngumiti si Mine-a. "Alena, sa susunod huwag mo na ulit gagawin iyon. Masama ang makinig sa usapan ng may usapan."

Yumuko si Alena. Batid niyang mali nga ang kanyang ginawa. "Opo Ina."

"Maiwan ko muna kayong dalawa dito." Ani pinunong Imaw.

Tinanguan na lamang ni Mine-a si Imaw bago ibalik kay Alena ang kanyang atensyon. Bumuntong hininga ito. "Halika nga dito at nang mayakap kita anak."

Lumapit si Alena sa Ina at niyakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ko kayong apat."

Tumango si Alena upang tignan ang Ina. "E correi diu Ina." Pinunasan niya ang mga luha ng kanyang ina. "Ina, bakit ka umiiyak?"

"Wala ito anak. Natutuwa lang ako na dumating kayo sa buhay ko." Hinalikan nito ang noo ng anak.

Alam ni Alena at nararamdaman niya na mayroon pang ibang iniisip ang kanyang ina. "Ina?"

"Ano iyon anak?"

"Maaari ko po bang malaman kung nasaan si Amihan?"

"Bakit mo naitanong anak?"

"Pasensya na Ina. Narinig ko kasi kayong pinag-uusapan siya. Maayos po ang ang lagay niya?"

"Alena, hindi pa panahon upang sabihin sa iyo. Maiintindihan mo rin sa tamang panahon ang mga nangyayari. Huwag kang mag-alala, nasa mabuting lagay ang iyong kapatid at malapit na siyang magbalik dito."

Lumarawan ang kasiyahan sa mukha ni Alena. "Talaga Ina?"

"Oo anak. Nararamdaman kong magbabalik na dito ang iyong kapatid. Mabubuo na kayong magkakapatid."

Narinig nilang umiyak si Danaya.

"Gising na ang iyong Apwe. Halika."

Nilapitan ni Alena ang kapatid at hinalikan. "Danaya.."

Buong araw ay hindi na nilisan ni Alena ang silid dahil labis siyang natutuwa sa kapatid. Hinahandugan niya ito ng awit at binabantayang matulog.

Maghihintay (Encantadia Fan Fiction) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang