Jin's POV
***
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na bumabalot sa loob ng kwarto ko. Halos salamin kasi ang mga pader ko at walang kurtina kaya kapag umaga, ang liwanag dito sa kwarto ko. Linggo pala ngayon, nakalimutan ko ng yayain yung tatlo para magsimba ngayon. Hayst, mag-isa nanaman akong magsisimba, nakakainis.Tumayo ako agad sa kama ko dahil malapit na rin magumpisa ang misa. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Nang nakapasok na ako sa loob, nakahubad na ako at nakalimutan ko yung phone ko. Hindi kasi ako sanay na maligo ng walang pinapatugtog na kanta. Hindi ko nalang binalot ang katawan ko kasi tinatamad na ako at wala namang makakakita sakin. Saktong pagkadampot ko nung phone ko, napatawag si Lester. Sana naman yayain niya akong makisimba.
"Hello Les." Sambit ko
[Makikimisa ka ba Jin? Mukhang maliligo ka eh.] Natatawa niyang sabi.
Tumingin ako saglit sa balcony ko at nakita ko si Lester sa baba na nakatingin sa aking hubad na katawan. Nagulat ako dahil hindi ako sanay na may nakakakita ng ANO ko. Kaya kinuha ko nalang yung libro na katabi ng phone ko at tinakpan ko yung ANO ko.
"Gago ka, bakit hindi mo manlang sinabi?!" Naiirita kong sabi.
[Ang laki kasi ng ANO mo, yan tuloy natulala ako] Natatawa parin niyang sabi.
"Hintayin mo nalang ako sa sala, sabay na rin tayong kumain ng almusal. Wag na wag mong ikwento kila Jake at Felix na nakita mo yung ANO ko!" Sambit ko.
Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Lester dahil pinutol ko na yung linya at dumiretso na rin ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, lumabas ako sa banyo at nakabalot na yung tuweliya sa katawan ko. Baka may iba pang makakita ng ANO ko. For the first time, si Lester palang ang nakakita ng ANO ko sa kanilang tatlo. Nakakahiya tuloy sakanya, baka mamaya asarin na niya ako ng dahil dun.
Sinuot ko na ang damit kong kulay pink na may nakasulayt na nerd tapos may salamin sa itaas nito. Ipinares ko naman ng fitted jeans tyaka lumang Converse. Natuto akong magpares ng damit dahil sa Cosmo Magazine, tinuruan kasi nila ako dahil pangit daw ang taste ko sa Fashion. Tapos sinuot ko ang salamin ko, hindi naman siya yung malaking salamin, yung sakto lang. Pampakyut kumbaga. Tyaka sinuklay ko na ang light pink kong buhok. Wag judgemental, jusko maraming namamatay dyan! Ays Maling akala pala yun. Mahilig lang ako sa pink, pero hindi ako bakla.
Bumaba na rin ako para kumain kasama si Lester pero bigla akong nahiya dahil naalala ko yung nangyari kanina. Parang ayaw ko ng magpakita pa sakanya. Di bale, best friend ko naman siya eh. Hayaan ko nalang kasi lalake rin naman siya.
Nang makarating ako sa sala, nakita ko si Lester na nakaupo at nanonood. Langya, Adventure Time ang pinapanood. Matalino nga, isip bata naman. Hayst. Hindi pa niya ako gayahin, kahit papaano mature ang isip at hindi isip bata.
"Kain na tayo Les. Gutom na rin ako eh, at baka nagsimula na rin yung misa." Sambit ko.
Tumango lang si Lester at sinundan ako sa dining room. Btw, rich kid kami kaya, alam niyo na. Nakita ko si mama sa dining room at kumakain na rin siya.
"Oh anak, kain na kayo ni Lester. Para makaalis na rin kayo at magsimba." Sambit ni mama.
Kumuha ako ng plato namin ni Lester at nagsimula na kaming kumain.
Napatigil nalang ako dahil nakakabingi yung katahimikan. Feeling ko may nakatitig sa akin. At tama nga ako, nakatingin sakin si mama at Lester. Masyado ba akong matakaw? Nakatatlong plato lang naman ako ng kanin ah. Sabagay, hindi kasi ako kumain ng dinner kagabi eh, dahil tambak ng projects at homeworks.