Naisip mo ba kahit minsan lang na bakit sya pa yung napili mo?
Bakit kaya kahit sinasaktan ka nya eh sya pa rin yung laging nasa ulo mo?
Bakit parang bali-wala na lang lahat ng mga masasamang nagawa nya sayo eh nawawala kapag nagsorry sya?
Have you ever wondered what's with him that made you go goo-goo eyes over him?
Una sa lahat, wala akong binaggit na pangalan pero sure ako na may taong pumasok sa kokote mo.
Wait lang, sa'n nga kaya nagsisimula 'tong feeling na ganito?
EHHHH.
Hindi ko alam, kaya nga ako nagtatanong di ba?
Ganun nga daw talaga yung love eh. Yung feeling na hindi mo maexplain yung mga bagay-bagay. Yung tipong biglaan na lang at darating kung kelan hindi mo ineexpect.
Ako nga minsan, muntik ko nang awayin si Kupido kasi pwede namang kaming dalawa ang panain nya di ba? Eh bakit ako lang? Edi ganun! Ako lang tuloy itong patay na patay sa isang taong walang ginawa kundi saktan ako. Saklap nga eh.
Anyways, may isshare ako sa inyo isa syang quote tungkol sa love..
"Love is the malfunction of the heart that weakens the brain."
Hindi ko alam kung sino yung nagsabi niyan pero nabasa ko lang yan somewhere.
Anyways, agree ka ba?
Kapag in love ka kasi, laging sya na lang ang iniisip mo, laging yung pangalan nya ang bukang bibig mo.. LAGING SYA NA LANG ANG NAKIKITA MO MASKI NAKAPIKIT KA.
Ang sarap ng feeling na mainlove, wag lang yung sobra.
Dahil lahat ng sobra ay nakakasama >:)
At.. Kung may mga masama na ngang naidudulot ito kagaya ng hindi ka na makakain, makatulog at hindi ka na makapag-aral ng mabuti dahil sa kanya.. TIGILAN mo na. Kasi that's already destruction.
One more thing..
Napansin ko lang pala, kapag broken ang isang tao sinisisi niya yung taong minahal nya.
Well, hindi ko naman sya masisisi, ganun talaga.
Pero..
Hindi ba't kasalanan mo rin yun kasi minahal mo sya ng sobra-sobra?
_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~
Minsan iniisip ko sana pala naging fair na lang ang buhay, lalo na sa love.
Yung parang mahal mo sya, mahal ka nya relationship.
Para wala nang masasaktan. Pero that's life, kung magiging fair ang buhay, mawawalan lang ng thrill.
Ang payo ko sa inyo my dear friends, hanapin nyo lang yung match nyo and FOLLOW YOUR HEART but remember to bring your brain with you.
BINABASA MO ANG
This Is Love (one-shot stories)
Short StoryPuro loveeee <333 Minsan true stories pero most of the time puro ka-echosan. Libre magrequest =)) basahin mo na lang!