Day 1

8 2 2
                                    


"Hayts!" Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Johanne habang pinagmamasdan niya ang malawak na espasyo ng Unibersidad. Bago siyang guro rito. Hindi naman bago sa kanyang paligid ang ganitong sitwasyon sapagkat dito rin naman siya nagtapos. Kaso bagong kaligiran ang hinahanap niya.

"Ito ang pangarap mo, Johanne." Bulong niyaaa sa sarili upang magkaroon naman siya ng kumpyansa at tiwala.

Maaga pa kaya naman inamoy niya ang sariwang hangin mula sa bundok. Nasa paanan kase ng bundok ang Unibersidad na pagtuturuan niya. Dito siya nagtapos ng kolehiyo at sekondarya kaya pamilyar na ng ambiance ng lugar na ito sa kanya. Sana lang ay maging mabait din sa kanya ang kapalaran.

***

"Magandang umaga sa inyong lahat." Pagsisimula niya sa kanyang unang klase. kapansinpansin na nginingitian siya ng kanyang mga mag-aaral pero normal lang iyon wika niya sa kanyang utak. Hindi bago sa kanya ang ganoong sitwasyon sapagkat madalas naman siyang nananalamin.

Sa tanngkad niyang 5'8", normal na lamang na may mahumaling sa kanya. Kayumanggi ang kanyang balat at laging nagbabago angkanyang hair do pero madalas na clean cut ito. May tumutubong kaunting balbas at bigote sakanyang mukha na madalas din naman niyang inaahitan.

Kung mukha naman ang pag-uusapan ay hindi rin naman siya pahuhuli. Naging Mr. Intrams din siya noon at nanalo pa sa Regional pageant. Kaso hindi na pinalad sa National lebel. bilugan ang kanyang mukha at halatang nagdaan din ito sa maraming pimples katulad ng ibang kabataan ngunit hindi rin naman siya dugyuting tignan. Matangos ang ilong niya at medyo singkitin ang mata. Ang mga labi ay maninipis, pinagkaitan siya rito, sigurado siya. Unti-unti na ring naaayos ang magulo nniyang ngipin dahil sa braces niya. Sigurado siyang, pisikal ang kadahilanan kung bakit sila nakangiti ngayon sa kanya.

Filipino major siya kaya ang mga klase niya ay nasa Major subjects din. Kaharap niya ngayon ang mga graduating class ng Unibersidad na iyon.

"Ako po pala si Johanne Sandro, pero binibigkas ang aking pangalan na Yohan." Wika nito pagkatapos ay nginitian niya ang buong klase. saglit siyang tumigil sa pagsasalita at pinagmasdan niya ang lahat. Parang may kaharap silang adonis. Kita iyon sa kanilang mata.

"rule number 1" pagkatapos ay namutawi niya. "sa aking klase," tumigil saglit pagkatapos ay ngumiti ng patagilid, "Bawal ma-fall!"

Tumawa ang kanyang mga istudyante. Halata na naman ang pagkadismaya. Nagpatuloy ang talakayan nila pagkatapos niyang makilala ang bawat isa. Kilala na niya ang iba ritto sapagkat parehoong department naman sila lalo na ang mga kasama niya noong lider at mga writers.

Siya ang Presidente sa organisasyon ng buoong iskul. Siya din ang mayor sa Filipino department kaya naging pamilyar na rin siya sa lahat.

Bawal ma-fall, wika niya sa kanyang sarili. Hindi siya sigurado kung kaya niya. Nandito kase sa kanyang klase ang ex niya noong nag-aaral pa ito.

Hindi pwede. Guro ako at istudyante siya, wika niya ulit sa kanyang isipan.

Naka-move on na ako. Matigas niyang sabi sa kanyang sarili.

Pero... totoo nga ba?


***

Bukas ulit! Sino ang kanyng ex at bakit kaaya sila naghiwalay? Madali kayang magturo habang pinagmamasdan ka ng taong labis na nanakit sa'yo?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30-day Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon