Prologue

0 0 0
                                    


* ~ ~ ~ *

Sabi nila, kapag nagbilang ka raw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi, at sinabi mo ng wish mo sa huling araw, magkakatotoo raw ito. Well, hindi naman talaga ako nagpapaniwala sa mga kasabihan ng mga matatanda, para sa akin ay isang kahibangan ang sumunod sa mga superstition but not until imy heart skips a beat for someone. Nung una, inisip ko na pawang kalokohan lamang ang kasabihang iyon. Eh paano ba naman kasi magiging basehan ang pagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi ay magiging katuparan ng isa kong hiling? Pero sa hindi inaasahan, hindi ko inakala na magkakagusto ako sa isang lalaku na pati ang kasabihang iyon ay aking pinaniwalaan. So here I am now, I found myself counting nine stars.

"One.... two...."
Mas tumingala pa ako at nilakihan ang aking mga mata. "Three.... four.... five.... six.... seven"

Dalawa pa. Lumingon ako sa kanang itaas. "Eight.... .... ..... nine"

"Ana!" napatingin ako sa sumigaw sa likod ko at nakita ko ang aking bestfriend na nakatayo sa sliding glass door. Naka suot kami pareho ng pajama na terno pero magkaiba ng kulay, blue ang sa kanya at sa akin ay violet.

"Ginulat mo naman ako Bea" sabi ko't humarap ulit sa langit habang nakahawak sa railings dito sa veranda. Naramdaman kong tumabi sakin si Bea. "Anong ginagawa mo dito? Malamig na. Tara sa loob" hinarap ko ang bestfriend ko and I saw her smiling brightly at me. Andito sya ngayon sa bahay namin para makitulog. Nginitian ko sya pabalik at nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.

"Ang lalim naman ng hugot hininga mo. Is there something that bothers you?" tanong nya na puno ng pagaalala.

"Actually.... there is" ngumiti ako ng mapait na nagpakunot sa kanyang noo. "Anong meron? Hindi ka naman ganyan Ana. You take things easily kaya wala kang pinoproblema." kitang kita sa kanyang mukha ang pagtataka. Yumuko nalang ako at kinagat ang ibabang labi. Hindu na ako maglilihim pa sa bestfriend ko, aamini ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

"I think.... I think I'm falling for someone at lihim ko syang minamahal dahil alam kong anino lang ako sa dilim. He'll never notice me 'cause I'm living in a shadow."

* ~ ~ ~ *

A Shadow in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon