BATAHabang naglalakad ako pauwi, may nakita akong batang nakaupo sa gilid ng kalsada. Nilapitan ko siya at kinausap. " Hi bata, Anong pangalan mo?" imbes na sumagot, tumingin lang siya sakin. " Ayos ka lang ba?" Umiling siya sa tanong ko. "Bakit? anong nangyari?" tanong ko ulit sa kanya. Sinabi niya sakin na sinasaktan siya ng magulang niya kaya naglayas siya. Naawa ako kaya sinama ko siya sa parke ,bumili kami ng ice cream at nagkwentuhan. Iniwan ko siya sandali kasi may tumawag sakin ngunit pagbalik ko wala na siya. Nagtanong ako sa mga tao malapit sa lugar ngunit sumagot ito "Kanina pa kita napapansin miss, may kinakausap ka ngunit wala ka namang ibang kasama."
●●●●●●●●●●●●
GUSTO KITA
"Gusto kita Jun, hindi, mahal na nga ata eh. Simula nung first year pa tayo. Gusto kong malaman mo na seryoso ako, itaga mo pa sa bato.". "Mahal din kita Flor, simula pa nung una. Hindi ko lang masabi sayo kasi natotorpe ako tuwing nakikita kita. Mas nauna pa nga ata akong nagkagusto sayo eh. " sabi ni Jun . Inilapit niya ang mukha niya sa akin, konting-konting-konti nalang........
" HOY FLORENCIA!! GUMISING KA NA NGA! ANONG ORAS NA? WALA KA BANG BALAK PASOK?! AT ANONG NANGYAYARI SAYO? ANONG NGINUNGUSO MO DYAN?! BANGON NA AT MALIGO KA NA!!" sigaw si nanay sa akin.●●●●●●●●●●●
SAKIT
"Mahal, lalong lumala yung sakit ng anak natin. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nahihirapan." wika ng asawa ko habang umiiyak. "Mahal, dalhin natin siya sa ospital, pa operahan natin o kung ano man ang pwede nating gawain mapagaling lang siya. Huwag mo ng problemahin ang pera." sagot ko sakanya. Binuksan niya ang pinto at nakita ko ang anak kong naghihirap sa sakit niya kaya napa-iyak ako. "Papa, ayaw ko sa ospital, isa lang naman po ang hiling ko eh. Ang maka-uwi ka dito sa Pilipinas at mayakap mo ako." Wika ng anak ko sa harap ng cellphone.
●●●●●●●●●●
GUTOM
Linggo ng umaga, pagkagising ko agad akong naligo, nagbihis at dahan-dahang naglakad papuntang kusina. Amoy na amoy ko yung bango ng mga pagkain na lalong nagpapagutom sakin. Pagdating ko sa kusina, nag-ala bituin sa gabi ang aking mga mata sa nakitang kong mga pagkain na nakahapag sa mesa. Napalunok ako dahil sa sarap ng mga ito. Kumuha ako ng isang piraso ng ulam at unti-unting isinubo sa aking bibig. "Mabuti yang ganyan anak, kahit yan lang ang ulam natin mabubusog ka parin. Pero dahan-dahan ka lang diyan dahil mahal na mahal at maalat ang Asin."
●●●●●●●●●●
PAALAM BA
Isa akong bulag na hirap nang makipagsapalaran sa buhay.Paano pa ako mabubuhay kung wala na akong kaagapay?! Dahan-dahan akong naglakad at dinadama kung saan ako papunta. Bigla akong nabangga sa isang bagay, hindi sa isang tao pala. Hiniling ko sakanya na dalhin ako sa isang tulay. Sinunod niya naman at nagpaalam na sakin. "Bakit ba ang lupit ng kapalaran sakin?! Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako!" tumalon na ko para magpaalam sa mundo. May biglang pumalakpak at nagsalita. "Ang galing ng drama mo miss. Buti nalang dito kita dinala sa isang palapag ng hagdanan. Hahaha"
●●●●●●●●●●
MAHAL KO
"Nay, Bakit niya ako iniwan?! Mahal na mahal ko siya, alam niyo po yun! Inalagaan ko naman po siya ng maayos ah. Hindi pa po ba sapat yun?" sigaw ko habang umiiyak, kumuha ng tissue sa gilid pinunas sa mukha pero napaiyak ulit. "Wah!! Nay, ang sakit, sakit!" "Anak, wala na tayong magagawa." sabi ni nanay habang hinahagod yung likod ko. "Inalagaan ko naman po siya ng maayos eh. Binigay ko na lahat ng kaya kong ibigay sa kanya, hindi pa rin ba sapat yun?!" sabi ko habang yumayakap sa kanya. "Nay, mamamatay na rin po ata ako.". "Pwede ba! Ang OA mo ha! Alam mo namang magnanakaw yan diba?! Kahapon pa nga ay ninakaw nyan yung ulam natin eh! Walang hiyang pusa yan!" Sigaw ni nanay sabay kurot sa aking gilid.
●●●●●●●●●●●
ARAL
Kinuha mo ang libro na nasa study table mo para mag aral para sa exam niyo,umupo,binuklat ang pahina at binasang maayos ang mga nakasulat. Pinag-aralan mo nang mabuti hanggang sa makarating ka na sa gitnang bahagi ng libro at hanggang sa pinakahuling bahagi. Nakaramdam ka na ng antok kaya agad mong niligpit ang libro at naghanda na para matulog. "Ayan ka na namang bata ka! Pagkatapos mong titigan hanggang sa malusaw ang libro,ililigpit mo agad at matutulog! Pambihira!"
YOU ARE READING
Dagli
RandomGumawa sa mga panahong walang magawa. DAGLI- anyong pampanitikan at mituturing na maikli pa sa maikling kuwento.