"Babalikan kita, pangako yan." Iyan ang binitiwang pangako sa akin ni Elysion bago siya umalis sa lugar namin. Si Elysion ang kababata ko mula nang lumipat kami sa Eteria. Siya ang nag-iisang anak nina haring Zion at reyna Avishla na piniling lumayo at magsundalo sa kabilang bayan. Mula pagkabata ay lagi kaming magkalaro ni Elysion. Minsan pumupunta kami sa Ilog Sheba upang magtampisaw at manghuli ng mga isda. Minsan naman matatagpuan kami sa puno ng Higera para mag-usap at pagmasdan ang buong kaharian na pinamumunuan ng kanyang mga magulang. "Laida, masdan mo ang kaharian namin, ang lawak ng nasasakupan 'di ba? Kahit anong lawak nyan 'di pa rin ako nasisiyahan, parang may kulang, parang may hinahanap pa din ako sa sarili ko. Ely, hindi ka pa din nasisiyahan? Balang araw magiging hari ka rin ng buong Eteria. Hindi mo ba gusto na lahat ng yaman na mayroon kayo ay ikaw ang pamamanahan ng magulang mo? Nanahimik na lamang si Elysion sa sinabi ni Laida. Hindi matukoy ni Elysion ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Tuwing siya ay pupunta sa bayan ng Eteria, nagbabago siya ng anyo kung baga nagdi-disguise siya para makapaglibot siya sa buong bayan. Mula sa paglilibot niya sa bayan ay tumutulong siya sa mga mahihirap. Mula sa paglilibot na iyon ay naisip ni Elysion na siya ay magsundalo.
Lumipas ang apat na taon ay natupad ni Elysion ang kanyang pangarap kasabay nito naging matagumpay na guro ako sa bayan ng Shekinah (Syudad ng Eteria). Kasabay ng paglipas ng panahon tila unti-unti nang naglaho ang imahen ni Elysion sa aking paningin, ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas namin ni Elysion. Isang matipuno at matangkad na Elysion ang kaharap ko ngayon, malayong malayo sa dati nyang itsurang gusgusin. "Sorry miss, nasaktan ka ba? Hindi naman. Nagkatitigan kaming dalawa at biglang "Laida? Ikaw na ba yan? Akalain mo isang ganap ka nang guro. Saan ka nagtuturo Lai?" Ang mukha ni Elysion ay nagpapahiwatig ng kasiyahan. "Ely, ikaw na ba yan? Sa hindi inaasahang pagkakataon, niyakap ko si Ely at bigla akong umiwas. "Sorry Ely, nabigla lang ako. Yan kasi namiss na kita eh. Oo nga pareho na tayong propesyunal." Sadyang may mga bagay na hindi natin masabi ng personal sa taong mahal natin. Minamahal na natin ang taong matagal na nating kasama sa buhay pero dumarating din sa punto na kailangan nating kalimutan siya dahil siya na mismo ang nagdulot ng sakit sa'yo na dala-dala mo hanggang sa ngayon. Sa pagkikita namin ni Ely, may mga bagay kaming napag-usapan, may mga bagay na nanatiling lihim. Ito na pala ang huli naming pagkikita pero bago kami naghiwalay mayroon siyang sinabi sa akin. Hindi na ako kumibo kasi ganoon din naman ako para sa kanya. "Pangako babalik ako." huli na pala ito. Nalaman ko na si Elysion ay may sariling pamilya na at sila ay nakatira sa Sapiro. Sakit at pagkalungkot ang aking naramdaman. Handa na ako umamin sa kanya at ang pangako niya na babalik siya ay naglaho nang parang bula. Lahat ng hinanaing ko ay ibinubulong ko na lang sa hangin. Lahat ng hinagpis ko ay tanging unan at kumot lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
UNTOLD
Fantasymga bagay na hindi kayang sabihin ng harapan sa taong naging bahagi na ng iyong buhay. Mula sa maikling panahon ng pagsasama ay unti-unti ka nang nahuhulog sa kanyang buhay.