Isang Sulyap Lang

17 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Shed ng Bldg. namin, nakaupo lang ako. Tinitingnan ko lang yung mga tao na busying-busy sa pagiging kolehiyo nila. Well, seryoso naman ako sa pag-aaral hindi lang ako katulad nila na masyadong aligaga. Gusto ko kasing ienjoy din kahit papano yung pagiging buhay studyante.

Ako si Jessy Mihaelle Natividad (Jesi Mayel) 17yrs old. Panlalaki yung pangalan ko pero girl ako. Akala kasi ng GrandMa ko boy ako, kaya yan. Pero ok na yan, JM for short. Oh well, 2nd year college na ako ngayon sa course na Bachelor of Secondary Education , major in Math. Well, naispired kase ako sa Math teacher ko nung HS kaya yan ang kinuha kong major.

Typical girl lang naman ako. Hindi maganda, pero alam kong hindi din naman ako pangit. Hmm, ayun nga. Basta, average girl lang ako. Yung tipong hindi pansinin kasi hindi naman ako Outstanding.

So much for that! Habang nagmamasid ako, nahagip ng mata ko yung mga kababaihang nagkukumpulan sa may tapat ng English Major na room. Mga First year yata yun sila. Kaiba ang ID lace eh. Alam ko naman na kung sino yung hinihintay nun sila eh, si Josef Marcus Dominguez, isang CTE Cuttie (CTE-College of Teacher Education), player kase sya ng Basketball. Forward yata sya, ay ewan!! ^////^

Maya maya, lumabas na sya ng classroom. Yung mga babaeng first year naman, biglang lumapit sa kanya. Nagpapicture sila kay Marcus, yung iba sa kanila kinakausap naman ni Marcus. Well, mabait naman daw sya ee.

Ang good news pa para sa ibang girls jan, wala daw Girlfriend itong si Marcus. Oh diba? Kaya naman pala panay ang papansin nitong mga babaeng to. Hmp!

Habang nakatingin ako sa kanila bigla akong tinawag ni Kathryn, bestbud ko sa campus. "JMmmmmmmm!"-Kath

"Huy! Wag ka ngang maingay, masigawan ka jan nina Maam eh. Lagot ka. Hahaha"-ako

Tinignan ko ulit sina Marcus, nakangiti sya habang kausap yung isang maliit na girl. Hayy, Marcus Marcus. Ang Cute mo talaga. Sana naman kahit isang sulyap lang sumulyap ka sakin. Ako kase palaging nakasulyap sayo eh. Hayy, kailan mo kaya ako mapapan-.

Naputol yung pagiisip ko ng biglang nagsalita si Kath.

"May gusto ka kay Marcus ano?"-Kath

"Ha? ^////^. Ako? Wala ha! Kaw talaga, mapaghaka ka ng kwento."-ako

"Awtsuu. Wala daw pero bigla kang nagblu-"-kath

Di na nya tinuloy yung sasabihin nya kase tinakpan ko yung bibig nya. Ang ingay naman nito aba. Baka mamaya may kung sinong makadinig eh.

"Wala akong gusto dun OK? Tsaka yun? Oh my Belly. Nevah! Tara na nga, anjan na si Prof. eh!"-ako

"Ok Ok. Sabi mo eh! Hahaha"-Kath

*Kinabukasan*

Nako lagot, late na naman ako nito. Baka hindi na ako umabot sa First Class ko nito. Mahigpit pa naman si Maam Physics. Di natanggap ng late comer. Huhuhu! :'(, paano na ang grade ko nito?

Nakaka-asar kase si Marcus eh. (at talagang sinisi mo yung Cuttie ah) Ee kasi naman, ang ganda nung ipinost nya sa Blog niya kagabi. Nakakadala yung nakasulat, at the same time nakakalungkot kase may babae pala siyang nagugustuhan. Yun yung sinabi nya sa Blog nya eh. At dahil dun, napuyat ako. Hahaha! ^____^

Oh well, isang sakay nalang nasa Campus na ako. Hayyyy! Sa wakas. Nakasakay na din. Makapag-review nga muna para sa Major Subject ko. May long test kami mamaya dun eh. Madami akong dalang kung ano-anong gamit ngayon kase may gagawin kaming props mamaya para dun sa isang subject namin. May gagawin kasi kaming presentation.

Habang nilalabas ko yung notes ko, biglang tumigil yung jeep. May sumakay yata. Ay ewan, malapit na ko sa campus, ilang minutes nalang kaya binalik ko na yung tickler ko, kase may nareview naman na ako.

Isang Sulyap LangWhere stories live. Discover now