Hahaha.. (Tatawa na lang ako)
Maikli lang po itong UD pero sana magustuhan niyo. Kasama talaga dapat sa unang part ito pero super haba na kaya hiniwalay ko.
So again, hope you like it.
Thanks =)---------------------------------------
Honey Oh
~~~
Natapos na ang isang nakakapagod na araw at nakauwi na rin kami ni Gelo sa bahay. Sinalubong kami ni Mama.
Binati ko na lang si Mama dahil pagod na rin naman ako itutulog ko na lang 'to.
Paakyat na ako ng tawagin ako ni Mama..
"Honey! Matutulog ka na? Hindi ka pa nagdidinner. 9pm na oh, baka magkasakit ka niyan."
"Ahh hindi na po. Napagod po ako ngayon ng sobra. Magpapahinga na po ako." Sagot ko kay Mama at umakyat na.
Habang humahakbang ako, nakita ko pang hinampas ni Mama si Gelo sa braso. Hindi ko na inalam kung anong dahilan basta matutulog na ako.
Pagpasok ko ng kwarto namin ni Gelo, dumiretso na ako ng banyo at nag-ayos ng sarili at nagpalit ng pajama.
*bluuuuurt*
*BLUUUUUUUUUUURRRRRT*
"Hay kainis namang tiyan 'to oh! Hindi marunong makisama. Hindi ko pala kayang hindi kumain lalo na't pagod ako.. Ihhhhh."
*tok, tok, tok*
Ahh si Gelo.
Agad akong humiga at tumalikod sa direksyon ng pinto. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko. Tulog ako, tulog ako.
"Honey!"
"……" Nakakainis ka!! Tulog nga ako.
"Honey! Alam ko gising ka pa."
"……"
"Nagluto pala ako. Dinalhan na din kita dito dahil alam kong gutom ka."
Ramdam ko ang paglapit niya sa kama at may ipinatong sa bedside table niya. At saka humiga sa tabi ko.
"Honey."
"……" Bahala ka manigas ka diyan.
"Ui, sorry na.. Hindi ko naman alam eh."
"……" Hmp.. Lagi ka na lang ganyan. Kunwari pa hindi alam eh 200 ang IQ mo.
Narinig kong bumuntong-hininga siya at hindi na nagsalita pa.
Ganun na lang yun? Susuko na siya agad. Buti pa siya kaya niyang matulog nang kagalit ang asawa niya. Eh ako hindi ko kaya.. Nakakainis ka talaga!
I sighed.
Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang humarap kay Gelo.
O______O?
"Sabi ko na nga ba gising ka pa eh! Sorry na wifey." Sabi ni Gelo na sentimetro lang ang lapit ng mukha sa mukha ko.
Pagkasabi niya nun, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa asawa ko at umiyak. Habang siya naman yumakap din at hinahaplos-haplos ang ulo ko.
"Typical Honey! Always cry." Sabi niya kaya naman lalong lumakas yung iyak ko at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Nakakainis ka talaga." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
"Shhhhh! Tahan na Honey. Sorry, I love you."
Sa sinabi niyang yun, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman kasi ako galit, naiinis lang ako sa kanina.
Kumalas ako sa pagkakayakap at nagpunas ng luha. Kinuha niya yung tray ng pagkain sa bedside table niya at ipinatong sa kama.
"Oh yan ahh. Pinagluto kita dahil alam kong gutom ka." Sabi niya habang sumasalok ng pagkain at itinapat sa bibig ko.
"Open you mouth na, here's the airplane." Pang-aasar niya.
Hinampas ko nga, ginawa pa akong bata.
"Nakakainis ka talaga." Sabi ko sabay nganga.
Narinig ko namang tumawa siya ng kaunti. Gwapo talaga!
"Oh eto na.. Aahhhhhhh!"
Yuuum!!
Sarap talaga magluto ng hubby ko.
Chalap, chalap ^______^
Mga ilang minuto na ang nakalipas nang matapos kong kainin yung dinala ni Gelo para sa akin. Nag-ayos na rin siya ng sarili at nagpalit. Hihihi yung couple pajama namin. At ngayon, nakahiga na siya at nakaunan naman ako sa braso niya.
Tumingin ako sa kanya, nakapikit na siya. Tulog na siya?! *pout*
"Gelo?" Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?" Gising pa pala siya pero hindi pa rin dumilat.
"Wala. Gusto ko lang tawagin yung pangalan mo." Sabi ko.
Dumilat siya at hinalikan ako sa ulo ko.
"Goodnight na wifey! Sorry ulit." Sabi niya.
Yumakap na lang ako sa kanya. Kaya mahal na mahal ko itong taong 'to.
"Goodnight Hubby."
---------------------------------------
GELO BAEK
~~~
Pasensya ka na Honey! Ganito talaga ako. Intindihin mo na lang sana na hirap akong magpakita ng feelings dahil hindi:talaga ako ganung tao. Wala man akong kasweetang taglay sa katawan, huwag ka sanang magsasawa sa akin.
Gaya nga nang lagi kong sinasabi, hindi ko man maiparamdam sayo ng direkta kung gaano kita kamahal, ipapakita ko iyon sa ibang bagay. Magtatrabaho ako ng mabuti para sayo at sa mga future babies natin. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko buong buhay ko. Wala nang iba.
'I Love You so much, Honey Oh'
---------------------------------------
KYAAAAAAAH!!!
SPELL KILIG? A-K-O YUN!!
HAHAHAHA♥____♥
Sensya naman nadadala ako ng sobra sa pinaggagagawa ko. Kahit na 2011 pa nung huli ko silang nakita, kinikilig pa rin ako sa chemistry ng dalawa. Hihihi
May kasunod pa ahh..
wait wait lang po tayo =)10 reads + 10 votes + 10 comments = UPDATE! [try ko lang ^^v]
BINABASA MO ANG
This Kiss: HyunMin Couple FanFic
FanfictionHello Readers!, FanFic ito pero SHORT STORY lang.. ahahaha =)) just wanna show how much i love HyunMin Couple (Kim Hyun Joong & Jung So Min) and their TV Series "Playful Kiss".. In this story, dinemonstrate ko lang yung mga scenes na gusto kong mag...