A/N:
Hi Guys!
This is my first time to write a story. ( ONE SHOT NGA LANG SYA)
So please bear with me and to some typo and grammatical errors. ^_^
I accept critisisms as long as walang harsh words po sana. HAHAHAHA!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May mga bagay na talagang hindi mabubura ng panahon.
Yung mga bagay na akala mo ay walang halaga, pero may malaking epekto pala kapag nag-iisa kana.
Sariwang-sariwa pa sa isipan ko ang lahat.
Kung paano tayo nag kakilala...
Kung paano mo ako sinuyo...
At kung paano naging tayo...
Naaalala ko pa nung araw na ...
Hiniram ko ang sasakyan mo...
"Ahm... Pwede ko bang mahiram yung sasakyan mo ?" sabi ko.
"Baket? Saan ka ba pupunta?" tanong mo.
"Magpa'practice lang sana ako mag'drive. D'yan lang naman sa may kanto. :)" sabi ko.
"Ganun ba? Osige... Basta mag-iingat ka lang sa daan ha?" paalala mo.
"Oo naman." sabi ko sabay halik sa pisngi mo at umalis na.
Kinakabahan akong isauli sa'yo yung sasakyan kasi nga nagasgasan at naputikan ko.
"Hala! Paano 'to? Baka patayin nya ako. :(" pag'aalala ko.
Pumunta ako sa bahay mo para ipaalam ang nangyari sa sasakyan mo.
Akala ko pagagalitan mo ako, pero....
"Ano kaba? Ayus lang 'yun. Ang mahalaga, ligtas ka. ^_^"
Yan lang ang sinabi mo.
Taliwas sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Nagpakawala ako ng isang mapait na ngiti habang inaalala iyon.
Naaalala ko pa nung...
Nadumihan ko ang bagong biling carpet ng sasakyan mo.
"Naku! SOrry. Dito pa ako sumuka sa loob ng sasakyan mo. Nadumihan ko pa tuloy yung bagong carpet ng sasakyan mo." sabi ko.
Akala ko maiinis ka sa akin, pero....
Tinawanan mo lang ako at sinabing.....
"Ano kaba? Ayus lang 'yan. Malilinis din naman 'yan e."