DEATH 4: Play fair

31 8 0
                                    

Pagkapasok ko sa club na kinabibilangan ni Kuro ay may sumalubong agad sa akin.Tiningnan ko sya mulo ulo hanggang paa ng harangan nya ang dinadaanan ko. Kulay brown ang mahaba nyang buhok na umabot na mismo sa kanyang beywang.Nakasuot sya ng uniporme namin ngunit may nakapulupot na scarf sa kanyang leeg.Nalula rin ako sa taas ng high heels nyang suot.

"Are you Lexi?" Mahinahon nyang tanong.Mukhang mabait ang isang to.

"Yes I am." Sagot ko.

"Oh right! Where are those papers? We really need it,immediately. So if you don't mind at kung nakakawala ng manners. Please.Akin na iyong manuscripts." Nakangiti nyang sabi at nilahad ang kamay.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at inabot iyong bag ni Kuro sa kanya. "Pakihanap na lang dyan. Asan nga pala si Kuro?" Tanong ko.

Kinuha naman nya iyon at tinignan ako. Bigla akong kinabahan ng ngumiti sya.Ano ba naman to,napaka-nerbyosa ko na ata masyado ngayon. "Nasa loob sya e. Nare-rehearsal na sila kaya bawal maistorbo.Anyway,thanks again. I owe you."

Magtatanong pa sana ako kaso nilipad na lang iyon dahil tinalukuran nya na ako bago maglakad paalis.Nice,ang sarap kausap ng isang yon.Tumalikod na din ako at nagsimulang maglakad.

Hayaan ko na nga lang. Si Kuro lang naman ang pinagbigyan ko ng number ko at talagang malalagot sya sa akin kapag may iba pang nakaalam non.




Pumila na ako para makabili ng aking makakain.Nang matapos akong bumili ng isang burger at hot choco na usually kong binibili ay naupo na ako sa isang table malapit s glass wall kung saan makikita ang field.What a good sight.Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang tumahimik ang canteen.Pati siguro ang pagkain ng ilan ng crunch ay napatigil upang hindi makalikha ng ingay. Napakatahimik kaya rinig-rinig ko ang isang musika na nanggagaling sa nakasaksak na headset na pagmamay-ari ng nasa katapat kong table.

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan sila nakatingin.

And as expected, its JAMILD.

Pero may mali sa kanila.May kulang.May nawawala.Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin.Bakit parang ayos lang sa kanila na wala ang isa? Bakit ganito ang aurang bumabalot sa kanila?

Umayos ako ng upo at muling binaling ang pansin sa aking kinakain ng dumaan sila sa gilid ko.Narinig ko ang pag-usog ng upuan mula sa likuran ko kaya nanindig bigla ang buhok ko sa batok.Muling nag-ingay ang canteen at naging busy ang lahat sa kung anu-ano.

"Asan si Levy? Bakit hindi nila kasama?"

"I don't know.This is the first time na may kulang sa kanila,right? Kahit saan sila magpunta, magkakasama sila e."

In 3,2,1... Death Is Near [SEASON 1] [HIRING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon