CHAPTER 2
"KYAAAAAAAH!" Malakas Na Sigaw Nya Na Nagpagulat Sa Mga Taong Dumadaan "Ano Ito? Bakit Mukha Akong Normal Na Tao? Asan Ang Aking Sungay?" Nanlalaking Mga Matang Kinapa Nya Ang Ang Kanyang Ulo "Malalambot, Makinis, Maputi At Kakaibang Ganda..Ano Itooo?!" Hysterical Na Lumapit Sya Sa Salamin, Napaatras Naman Yung Mga Tao Sa Loob
"HINDIIII!" Sigaw Nya
"Hoy, Miss Umalis Ka Dyan" Yung Guard
Umayos Naman Si Evil At Galit Na Naglakad Palayo Dun,
Anong Nangyari Sa Akin?
"Hoy Ganda" Nang May Kumulbit Sa Kanya Lumingon Sya At Malalapad Ang Mga Ngiting Binatukan Nya Yung Baklang Kumulbit Sa Kanya
"Akala Ko'y Patay Na Ang Aking Mga Kawal Na Demonyo, Ngunit Ikaw Ay Naririto Sa Mundong To"
"Ang Shakit!! Waaa, Baklush To. Anong Demonyo? Tong Ganda Ko? Nagkatol Ka Ba? At Bakit Nangungutos Ka? Oh God, My Brain Cells" Arte Nung Bakla
Takang Tinititigan Sya Ni Evil At Walang Anu-ano'y Sinuntok Nya Yun Sa Mukha, Na Agad Ikinabagsak Nito
"Di Kita Maintindihan" Kinwelyuhan Nya Sya "Umayos Ka, Sabihin Mo Ano Ang Lugar Na Ito?"
Dahil Wala Ng Malay Yun Di Nakasagot Kaya Binitawan Nya Sya "Walang Kwenta"
Iniwan Nya Ang Walang Malay Na Yun At Nagpatuloy Sa Paglalakad
"Mag Gagabi Na Pala, Kailangan Ko Ng Maghanap Ng Matutuluyan" Sabi Nya Habang Nakatingin Sa Matataas Na Building At Biglang Kumalam Ang Sikmura Nya "At Makakain, Nagugutom Na Ako"
Gray PoV
"Bakit Gabi Ka Na Naman Umuwi? Wala Ka Na Ngang Trabaho Ganyan Ka Pa?"
"Na Traffic Ako, Pwede Ba"
"Lintek Na Traffic Yan, Ako Itong Galing Opisina Di Na Traffic"
Pinatay Ko Ang TV Sa Kwarto Ko, Umpisa Na Naman Sila
Agad Kong Kinuha Ang Jacket Ko, Ayokong Marinig Ang Pagtatalo Nila Kaya Aalis Muna Ako
Naabutan Ko Sila Sa Sala, Akala Ko Di Nila Ako Mapapansin
"At Saan Ka Naman Pupunta?" Sabay Na Tanong Nila
"Sa Malayo Dito" Pagkasabi Ko Nun Dumaretso Ako Sa Pinto
"Tignan Mo, Nagmana Sayo Ang Anak Natin"
"Buti Sakin Nagmana Hindi Sayo"
Napabuntong Hininga Na Lang Ako, Rinig Sa Labas Ang Pagtatalo Nila
-
Naglakad Lakad Ako, Nakarating Ako Sa May Bayan
"Geez, Sa Dami Ng Mararating Dito Pa"
*Bogsh*
Agad Akong Napalingon Sa Lalaking Lumipad Sa Tapat Ko, Bumagsak Sya Sa Tindahan Ng Mga Gulay
"What The.."
"Hindi Ba't Sinabi Kong Wag Kayong Humarang Sa Daan Ko!" Sigaw Nung Babae
Teka..Sya Yung Babaeng Cosplayer Kanina! Anong Ginagawa Nya Rito? O.O
"Ang Lakas Nya Pare"
"Kunin Nyo Yung Kalawit"
Sinugod Nung Tatlong Lalaki Yung Babae
"Mga Lapastangan, Huwag Nyong Hawakan Ang Aking Armas"
Nag Aagawan Silang Apat Dun
Anong Kalokohan Yan? -__-
Nagulat Ako Ng Magawa Nyang Hilahin Palayo Dun Sa Tatlo Ang Kalawit Nya At Binigyan Nya Yun Ng Tig Iisang Suntok. Dumadami Na Ang Taong Nanonood Sa Kanila
"Ang Paninda Ko Waah"
"Ang Mga Isda Ko"
"Bayaran Nyo Ang Mga Sinira Nyo"
Sigaw Nung Mga Tindera, Tumakbo Naman Yung Tatlong Lalaki At Naiwan Yung Babaeng Nakatayo Dun
Napailing Ako Ng Dinudumog Sya Nung Mga Tindera
"Hoy, Babae Bayaran Mo Ang Sinira Mo"
"Wala Pa Kong Benta"
"Bakit Ako Magbabayad?" Takang Tanong Nya "Hindi Nyo Ba Ako Kilala?"
"Bakit Anak Ka Ba Ni Mayor?"
"Hala, Magbayad Ka Dali"
Naku Naman..
"Lumayo Kayo Saki---Anong Ginagawa Mo, Lalaki?" Gulat Na Tanong Nya, Hinila Ko Kasi Sya Palayo Dun
"Wag Ka Ng Maraming Tanong, Pag Sinabi Kong Takbo. Takbo" Sabi Ko
"Bakit Naman Kita Susundin?"
"TAKBOOOO!!!" Sigaw Ko At Hinila Sya Habang Tumatakbo
"HOY MAGBAYAD KAYO"
"BAYARAN NYO ANG PANINDA KOOO!"
Malayo Layo Na Kami Ng Bitawan Ko Sya
"Wooh, Grabe" Tumingin Ako Sa Kanya, Nakatitig Sya Sakin "B-bakit?" Nagulat Ako Ng Sipain Nya Ang Mukha Ko, What The Hell?!
"Sinong Nagsabi Sayong Pwede Mong Hawakan Ang Aking Kamay?"
Pakiramdam Ko Nabasag Ang Salamin Ko Sa Lakas Ng Sipa Nya
"Damn It! Ikaw Na Ngang Tinulungan Nananakit Ka Pa" Napaatras Ako Ng Ilapit Nya Ang Mukha Nya Sa Mukha Ko, Mamaya Upakan Ako Ng Isang To
"Ganun Ba Ang Tulong? Tumakbo Lang Naman Tayo Hindi ba?" -Sya
"Tinulungan Lang Kitang Makalayo Sa Kanila, Mukhang Wala Ka Kasing Pambayad" -Ako
"Heh, May Itatanong Ako Lalaki" Seryosong Sabi Nya "Ano Ang Lugar Na Ito? At Kakaiba Ang Lahat Ng Nandirito"
Eh? Anong Kalokohan Ng Babaeng To?
"Nagpapatawa Ka Ba?" Tanong Ko
"Mukha Ba Akong Nagpapatawa?" Balik Tanong Nya "Sagutin Mo Na Lang Ang Tanong"
"Seryoso? Di Mo Alam Ang Lugar Na To? Probinsyana Ka Ba? Nasa Maynila Ka"
"Maynila? Ibig Sabihin Ito Ang Ibang Mundo? Mas Maganda Dito Kesa Sa Deliosaret" Sabi Nya
"Deliosaret? May Probinsya Bang Ganun?"
"Hindi Mo Alam Ang Deliosaret?"
"Hindi"
"Dun Ako Nanggaling" Sabi Nya Habang Pinupukpok Ang Dulo Ng Kalawit Nya Sa Sahig
"Totoo Ba Yan?" Tanong Ko
"Eto? Oo, Hawakan Mo" Inabot Nya Sakin Yun Pero Paghawak Ko Agad Ko Yung Nabitawan Sa Sobrang Bigat At Bumagsak Yun Sa Paa Ko
"ARAAAAAAAAY!"
"Bakit Mo Ibinagsak?" Dinampot Nya Ang Kalawit Na Yun Gamit Ang Isang Kamay Nya Na Akala Mong Patpat Lang Ang Hawak Nya
"Paano Mong...Ang Bigat Kaya Nyan" Turo Ko Sa Kalawit Nya
"Talaga? Ang Gaan Lang Nito" Pagkasabi Nya Nun Inikot Nya Yun At Nanalaki Ang Mga Mata Ko Ng May Lumabas Na Pulang Liwanag At Naglaho Na Lang Yun Basta
"A-anong.." Umatras Ako Habang Dinuduro Sya "Paanong.."
Tumingin Sya Sakin "Bakit?"
"Ano Yung Liwanag Na Yun? Nasaan Na Yung K-kalawit?"
"Itinago Ko" Maikling Sabi Nya At Bigla Nya Kong Inakbayan "Lalaki, Anong Pangalan Mo?"
"G-Gray O'Brien" Kabadong Sabi Ko
"Gray? Magandang Pangalan" Ngumiti Sya "Ako Nga Pala Si Evilinia Deviluke, Sa Inyo Muna Ako Makikituloy Ngayong Gabi"
"ANOOOOO?!!!"
BINABASA MO ANG
Name: EVILinia DEVILuke
Fantasythis an Action, Fantasy and Rom-Com Story .. A story of an evil from the other world na napunta sa Mundo ng mga Mortal.. Her name is EVILinia DEVILuke.. the Woman you dont want to mess with