Nakita na naman kita,
Nakangiti at maligayang-maligaya
Pero ba't ganito ang puso ko,
Di ko alam, ba't nagdurugo.
Ah, kaya naman pala,
kasama mo na naman siya
Ang 'siya' na tinutukoy ko,
Walang iba kundi ang mahal mo.
Ako naman kasi itong si tanga,
Hindi makapagmahal ng iba
Bakit naman kasi ang manhid mo?
Di mo nararamdaman ang pagmamahal ko
Ang sarap isipin,
Ang hirap bigkasin
Sa harap mo ang mga salitang,
"Sana Tayo na Lang"
![](https://img.wattpad.com/cover/1000249-288-k449833.jpg)