Ciara POVGooood morning? Ahmm good morning nga ba?
Hayy ngayon na ang araw na lilipat ako sa special class .. -.-
Special class ..andiyan iyong mga anak ng mayayaman.. Mga heirs, anak ng pulitiko, anak ng sikat na tao at ang panganay na anak ng may ari ng east academy na walang iba kundi si prince kho ..
Hahaha nakakatawa yung name at apelyedo niya.. Parang Prince ko kung babasahin ..
Scholar nga pala ako sa exclusive academy na ito. kaya Wag na kayo magtaka kung bakit dito ako nag aaral .
Okay wait explain ko muna pala sa inyo kung bakit ako mapupunta sa special class na yan ..
*flash back !!!
After lunch break pinatawag ako ni Mr. Kho ..ayy parang mister ko -.- ..
Mr. William na nga lang .. Haha
Siya ang may ari ng academy na ito.
At siya rin ang tatay ni prince..........
Kumatok ako ng mahina sa pinto ng office ni Mr. William , agad ko namang narinig ang Boses ni sir ..
Come in" sabi niya
" ikaw ba si ms. Ciara Reyes? Tanong agad sa akin ni sir pagkapasok ko ng office niya
" yes sir" sagot ko
" sige maupo ka ,
Agad naman akong naupo at hinintay ang susunod pa niyang sasabihin .
" I have a deal for you ms. Reyes kaya kita pinatawag
" anong deal po sir ?
" nasabi sa akin ni mr. Johny , ikaw daw ang pinaka matalino sa class niyo . kaya sigurado akong magagawa mo tong mission na ibibigay ko sa'yo
Ano daw? Mission? Ano plano ni sir sa akin maging agent? Haha
" anong deal at anong mission po sir?
" kilala mo naman ang anak Kong si prince diba? Tanong ulit sa akin
" opo sir, siya po yung genius niyong anak .. Sagot ko
" gusto Kong talunin mo siya .
" talunin ? Saan po sir? Nagtataka Ko na namang tanong
"Me and my son made a deal. Kapag naging valedictorian siya , mapipili niya ang kursong gusto niyang makuha sa college. Hindi ko na siya pipilitin humawak ng mga business namin , pero kung mabibigo siya susunod siya sa gusto ko sa kanya ..
" ah ano po bang gusto niyong gawin ko Sir?
" ililipat kita sa special class para makalaban mo ang anak ko , kapag nagtagumpay ka , bibigyan kita ng scholarship para makapag aral sa ibang bansa ng kahit anong kursong gusto mo .
" ang ibig niyo pong sabihin kailangan ko pong maging rank one sa special class hanggng sa graduation?
" yes ms. Reyes ,
End of flash back
At ayun na nga may mission ako kaya ako malilipat sa special class ngayon ..
Pinagisipan ko din naman ng matagal yung desisyon .
Hindi rin kasi madali makihalubilo sa mga mayayaman noh .
Naisip ko na siguradong ibubully nila ako dahil mahirap lang ako.
BINABASA MO ANG
if we fall in love
Short StoryDalawang taong parehong ipinaglalaban ang kanilang pangarap.