Chapter 4

21 2 5
                                    


*Continues ng Flashback*

Nakauwi na sila Mom at Dad sa Manila kagabi. Sinulit namen kahapon habang nandun pa sila Mom at Dad. Nag kwentuhan at inuman lang. After non ay nag usap na sila Mom, Sila ate at si Star, Girls talk daw, e babae din naman ako yun nga lang pogi. Kaya naiwan kame ni Dad.

Nagusap kame ni Dad non about kay Michelle at kay Star

"Anak, alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan ka paren sa ginawa sayo ni Michelle. Pero sana bigyan mo ng pag asa yang mga nagmamahal sayo, Wag mong sayangin ang oras. Wag mong bigyang pansin yung mga taong hindi ka naman na binibigyan ng pansin. Anak, Be braver, kase bata ka pa. Makakahanap ka pa ng mamahalin mo at mamahalin ka den. Anak, Isa lang ang sasabihin ko sayo, May nagmamahal sayo, bigyan mo sya ng pansin dahil oras ang kalaban mo sakanya kaya sana habang maaga pa, Makita mo agad sya. Ngayon di mo ito maiintindihan, pero later you will understand." saad ni Dad

Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabe ni Dad about dun sa oras. Pero biglang pumasok sa isip ko si Star, nakangiti. Hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng asar nila Ate Marg pero masyado bang mabilis kung sasabihin ko sainyong may gusto na ko kay Star. I mean, I've known her for Half months lang, ganon kabilis!? Hay!
-----

Nandito na kame sa Piwong. Yun yung sinasabe kong magandang lugar, Lalo na kapag sun set. 3pm palang naman kaya naghanap muna kame ng mauupuan.

"Star?" untag ko sakanya

"Hmmm?" ungol nito at umupo sa damuhan kaya umupo naren ako.

"Pwede mo bang ikwento kung pano kayo naging mag bestfriend ni Mom?" wala e. Curious talaga ko

"Sure, Alam ko naman na sabik na sabik ka na malaman mo simula nung magkita tayo haha. So simulan ko na. Simula nung bata ako ay tinulungan na ni Ate Rein sila Nay Maria at Tay Tasyo, katulong nila Ate Rein ang mga magulang ko. Ngunit nung magpasya ang mga magulang nila Ate Rein na mangibambansa ay ipinatira kame ng pamilya  sa bahay nila. Naging tapat at mabuti pamilya namin sa kanila Ate Rein kaya't niregaluhan kame at tinulungan bumuo ng sariling pagkakakitaan. Nagpaiwan si Ate Rein para tulungan kami. Kaya lumaki na si Ate Rein saamen, ilang taon din ang tinagal. Halos magkapatid na kame kung tutuusin, halos 11 years rin ang agwat ko kay Ate Rein."

"Kaya pala ganun nalang kayo ka close ni mom. Hahaha, Ibig sabihin, you know me na before pa ko magpunta dito. For sure naman, Mom will share a story about me?"

"Oo, Nakwento naren saken ni Ate Rein about dun sa Ex mo. But not at all, ilan ilan lang" paliwanag nya

"Ah. Si Michelle, Did my mom tell how my life was ruined by her?"

"Hindi e, It's your choice daw kung sasabihin mo" sabe ni Star

"Well, I will tell you" huminga muna ko ng malalim saka sinimulan. " That time my family was so proud of me. Achiever ako pag dating sa sports ko, pati sa musical. Naging maayos din yung grades ko sa school, and nag tetrain ako ngayon para maging next CEO sa company namen. Nang isang araw ay nagpakita sakin si Michelle Lazaro."

"We're dating almost a month then sinagot nya ko nung mga 3 months after. Nagmahalan at pinaglaban  namin ang isat isa ng mahigit 2 taon. Pero isang araw ay nagpasya si Michelle na umalis at mangibang bansa kasama ang pamilya at doon magtapos ng kolehiyo"

"Nakipag break sya saken nung nasa ibang bansa na sya, Sabe na nakikipag hiwalay dahil wala daw syang future with me. Nasaktan talaga ko sa mga sinabi nyang yon, pero di ko pinakita sakanya. Hindi ko naman masundan sa kadahilanang binantaan ako ng Ama ni Michelle na si Mr. Lazaro, yung kinabukasan ni Michelle ang nakasalalay kung susunod pa ko sa bansang iyon." di ko na napigilan pa ang luhang umagos mula sa mga mata ko. Niyakap na ko ni Star, Thanks to her I feel relieved. I love the way she hugs me everytime I need it. Sya lang at ang Mom ko ang nakakagawa nyan.

"Tiniis ko lahat ang paghihirap na yon at umaasa na babalik si Michelle. Ngunit ng makabalik na sila Michelle at ang kanyang pamilya ay nakita ko sya na may kasamang lalaki sa isang event na pinuntahan namen."

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko na sila. And to my surprise, They're engaged! Nagpaliwanag si Michelle pero hindi sya pinaniwalaan ni Ate. That day den kame nagusap ni Michelle after nung makita sila. Pinapunta nya ko sa park kung saan kame laging nagkikita. Naging maayos naman ang pag uusap namen nung simula kaso biglang dumating yung lalaki kaya natigil din. Ilang linggo pagkatapos non Umaasa ko baka sakaling makontak ako ni Michelle upang makapag usap."

"At dumating ang araw na sinabi ni Mom na magbabakasyon kame sa  probinsya ng 1 buwan para makapag pahinga at para naren makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Michelle. Tinutulungan ako ng pamilya ko para makapag move on na at muling umibig. Dahil simula nung maghiwalay kame ni Michelle ay naging malulungkutin na ako at laging umiinom"

"Kaya ganon nalang sumaya si Mom nung natuto na ulet akong magpakasaya within half months na nandito ko. To be honest, I've never been happy after nung samen ni Michelle. Ngayon ko lang ulet naramdaman yung saya sa puso ko." tinignan ko sya at kumalas sa yakap nya

"Star, Thank you for being here. Im thankful na nakilala kita" saka ko sya hinalikan sa noo

Nakita ko naman na nag blush sya sa ginawa ko kaya napangiti ako.

Hay Star Eliz Montero! What did you do to me?

-------
(a/n) hey guys! Haha. Add nyo ko sa
facebook "Jhean Marie"
Twitter/Ig "Dyeenmareee"

Lost Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon