2😢

119 2 0
                                    

.P Pov

Hello?

Hello?

HELLO!?

HELLO!?

aba puta! Nakailang hello na ako hindi man lang nagresponse punyeta, bahala siya sa buhay niya!

Pinatay ko na sabay tingen kong sino yung caller.

Aba!

At hindi pa nakasave sa cellphone ko. Nakakapagtaka lang.

Hindi ko naman binibigay phone number ko sa iba, Yep bf ko lang at si mama, papa at kuya ang may alam, even ate jane does'nt know my phone number.

So how come.

Whatever.

I just ignore it.

So I open my facebook account also my messenger and I start typing a msg for him.

Babe, it's nothing.
That guy, just join me in  the table.
And the reason why, i look at him is because, he knew about us
Edmar's typing. . .

10 minutes na akong nag aantay typing parin siya, parang ang haba haba naman ata ng sasabihen niya.

Kinabukasan

Pag gising ko pa lang hinanap ko na agad yung phone ko.

OO YUNG PHONE KO.

Aba pag tingen ko Lowbat😂😂

Pano ako papasok ng wala akong cp, Waahhh natulogan ko pa pala siya. ANEYBE,

Aba kasalanan naman niya nu! Ang tagal tagal niyang mag type.

Chinarge ko na muna yung phone ko saka ako pumunta sa banyo para maligo.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko sila mama agad ang nakita ko na nagtatawanan. ABAH

Kaya lang napatigil sila ng makita ako. (Ganda ko kasi)

Mama
  OH? Himala may pasok kayo ngayon.
Papa
  Oo nga, nagbago shed mo nak.
Kuya
  Alla, si bunso hindi nagsasabe.
Ako
  Ha? Bakit may pasok naman talaga ah. (Confuse)
Papa
  Kaylan pa kayo nagkaroon ng pasok tuwing tuesday?
Ako
  😆😆😆😆😆 (ngiti)  sabay takbo sa kwarto, asar lunes pala kahapon, kainis, narinig ko pa silang nag tatawanan. So kasalanan ko ba! Kainis
 
Pagkatapos kong mag bihis ng damit pambahay bumaba ako ulit. Aba nagugutom na ako. Pero pag bungad ko sa kusina si kuya na lang ang andun.

Ako
  Sila mama asan?
Kuya
  Umalis na, papasok sa trabaho.
Ako
  Oh. Ikaw wala kayong lakad. Himala ah
Kuya
  Sus. Pupunta mamaya yun dito. Nga pala nakalimutan mong martes ngayon.
Ako
  Inismiran ko siya, tska nagumpisa na maglagay ng pagkain sa plato ko.
Kuya
  Sunget. (Sabay tayo)

Nanunuod ako ng tv sa sala ng biglang may mag doorbell. For sure naliligo pa si kuya, lagi naman ganun ang eksena pag papunta si ate dito. I think si ate Jane nayun. Kaya tumayo ako at pagbubuksan ko siya, But i was shock when

Hi Ate Jane! Masaya kong bati, but to my surprise it is not ate Jane.

Pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang. Sabe niya ng mababang tinig at seryosong nakatingen sa akin.

He is my ex boyfriend. The one who took my virginity. The hell! nakatunganga lang ako as in. Hindi ako umiimik. Hindi ko alam sasabihen ko o irereact. Nagulat nalang ako nung naramdaman ko na sinakay na niya ko sa kotse niya.

My tears starting to fall. I dont know why. Bakit ganito pa din epekto niya sakin. He stop the car, and whip my tears.

Bakit? Bakit kapa andito. Bakit kapa bumalik. Umiiyak kong sabe. Na halos pabulong nalang dahil nawawalan nako ng hininga.

Huminga muna siya ng malalim bago muling pinaandar ang sasakyan. Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Buong byahe tahimik lang.

Hindi ko alam bakit ako sumama. Hindi ko alam kong ano ang ginagawa ko sa kotse niya. Wala ako sa katinuan ko ngayon.

I love you!

I love you! Sabay halik  ni Paul sa pisnge ko.

Napahagikgik nalang ako dahil sa kilig. Napaka gwapo niya at kisig sa suot niyang uniporme, bestfriend ko siya bago naging boyfriend. Bata pa lamang ako gustong gusto ko na siya, crush na crush. Ne hindi ko magawang tumingen sa iba, kahit ang sabe ng mga kaibigan kong babae mas madaming mas gwapo kaysa sa kanya.

Grade 3 ako nung lumipat sila at nagpasyang manirahan sa aming barangay. Tapat ng bahay namin ang bahay nila. Kaya madalas ko siyang makita. Tabi ng bahay nila ang plaza ng maliit na barangay namin, kaya naman tuwing sumisilip ako para matignan ko siyang mabuti, hindi nahahalata ng pamilya ko. At tuwang tuwa ako dahil doon.

Naging kasundo niya ang kuya ko pag apak ko sa ika limang baitang ng pagaaral sa elementarya, kaya madalas siyang magawi sa amin. Dahil doon naging close kami at kulang nalang hindi na mapaglayo. Niligawan niya ko sa harap ng magulang ko.

Hindi sila nagalit o kahit manlang sana pinagsabihan ako, sila panga mismo ang nagtutulak sa akin. Sinagot ko siya pagkatapos ng tatlong buwan. Grade 8 ako samantalang grade 10 naman siya. Hindi narin sila gaanong nakakapag usap ng kuya ko noon, pero tingen ko naman close padin sila. Kolehiyo na kasi si kuya.

Nagtatawanan kami ni Paul pauwi, ng mamataan namin ang kulay itim na kotse sa harap ng bahay nila. Nagulat ako at napatingen sakanya, sa pagkakaalam ko kasi kulay puti ang kulay ng dalawang sasakyan nila, pero mas lalo akong nagulat nang makita kong gulat at pagkatuwa sa mukha niya.

Pag tapat namin sa aming mga bahay, hinila niya kaagad ang aking kamay, kaya napatingen ako sakanya.

Nakangising aso lang siya at sinabe na ipapakilala daw niya ako sa kanilang bisita. Noong una ay nagtalo pa kami, ngunit ng may dumaang trike sa daan namin, dahil nga nasa kalsada pa kami kaya agad niyang nakuha ang pagkakataon upang higitin ako sa loob ng bakuran nila. Wala na akong naging angal pa dahil naroon naman na kami.

Pag pasok namin agad nahinto ang tawanan ng mga tao sa loob. Kilala naman ako ng magulang niya, Mama at Papa na nga ang tawag ko sakanila dahil yun ang gusto nila.

Uhmm. Goodafternoon po.

Wala sa sarili kong sabe. Humagalpak ng tawa ang ina ni Paul

Hahahahaha. Iha come here. everyone this my future daughter in law. Pauline Espiritu.

Uhmm. Hi po. Para akong tanga

Nathan.. sabay taas ng kamay ng isang lalaki

Daniel.. sabay kindat sakin

Math here.., sabi niya sabay wagayway ng baso niya

Mukha siyang lasing. Pinsan ko sila bulong sakin ni Paul kaya tumango ako.

Nabalik ako sa ulirat ko ng makita ko ulit ang bahay na nasa harap namin. Kong saan nagsimula ang lahat lahat.

Sarap
Sakit
Sumamo
Simpatiya
Sikap

Lahat bumalik.

SoftWhere stories live. Discover now