021217
Una ko siyang nakita
Atensyon ko ay nakuha na niya
Mabait, matalino at responsable
Pero Nung makausap ko siya bilis ng tibok ng puso ko ay dumoble
Nagsimula sa pagpapakilala
At nauwi sa 'hindi na kami magkakilala'
Ang sikretong kong nararamdaman ay nakawalaSa kanya ay lumapit na parang tuwang tuwa
At siya naman ikinabaligtad ng kanyang ginawa
Pag layo nga ba ang dapat niyang tamang ginawa?
Ako'y nalungkot
Namuhay sa takot
Hanggang sa siya'y lumapit at ako'y sinuyo
At unti unting nawala ang panlulumo
Pero hindi mo parin maiaalis sa akin na ang katotohanan na siya'y may kasintahan
Ako naman tong si tanga naniwala
Sa kanyaKaya ito ako nasaktan sa pag asa
Hindi ko alam kung kailan nag simula
Pero ako'y nagsisimulang mahalin ka at yun ang aking hula
Kinalimutan ko ang nakaraan
At ito ako minamahal ka ng walang pagaanlinlangan
Meron pang parte sa akin na nasa kanya
Pero hindi din magtatagal at babawiin ko din iyon sa kanya
Kaya wag kang magalala
Ako naman ay iyong kilala
Mamahalin kita
Kinakalimutan ko naman na siya
Baka pagdating ng ilang araw baka hindi ko na din siya kilala