Chapter 10

14 0 0
                                    

Lalheen Cassandra's POV

"You have a nice voice Mr. Jimenez. Great job. Give him around of applause class." Nagpalakpakan naman sila. At eto ako ngayon, tulala. Bumalik na rin sya sa upuan nya.

"Lupet mo talaga kumanta pre. Sayang lang nga, nawala yung banda natin." Oo nga pala may banda sila noon, nabuwag lang kasi nangibang bansa si Klein pati si Drake.

"Lul, idol mo nanaman ako." Nagtawanan sila. Nakatingin lang ako sakanila, pero bigla kong iniwas ang tingin ko nung napatingin si Klein sakin. Aish! Nako naman.

...

Natapos na ang tatlong subject, break time na. Ma'am Revilla, Ma'am Lacandana, Sir Cruz. Yun yung mga nagpakilala kanina. Science, Filipino, English teachers. Palabas na kami ng room.

"Sasabay daw si Drake satin diba?" Ani Yanna.

"Oo daw ata." Sagot ko. Nung palabas na kami, may bumangga sakin.

"Ouch." Ang sakit ha, pagtingin ko.. si Klein. Hayup naman. Parang wala ng bukas kung mambangga 'to! Akala mo ang liit liit eh parang kapre sa tangkad.

"Sa susunod tignan mo dinadaan mo, wag tanga tanga." Eh? Ano 'to? Nag-iba simoy ng hangin? Last week lang parang okay na kami. Tas ngayon, susungitan nya ko. Aba.

"Ay sorry PO ah. Kasalanan ko pa PO pala, na binangga MO PO ako. Sorry PO." May diin lahat ng po na sinabi ko sakanya. Anong nangyayari nanaman dito?

"Psh, nevermind." Nagpatuloy sila sa paglalakad. NAPAKAYABANG!

"Luh? Meron ba yun ngayon?"

"Di ko alam, baka meron nga." Pangaasar na sagot ko.

"Oh ayan na pala si Drake eh." Sabay turo sa labas.

"Hi." Ngumiti sya samin.

"Oh, drake. Kumain kana?" Tanong ko.

"Hindi pa, kakapalabas palang samin." Teka san kaya si kuya?

"Ah, drake nakita mo ba si Kuya?"

"Nasa canteen. Inaantay na tayo. Tara na?" Aya nya samin.

"Ay bes, CR lang ako ha? Una na kayo sa canteen susunod ako. Bye!" Pagpapaalam ni Yanna. Nako, magreretouch lang 'to eh hahaha joke.

"Sigesige." Nauna na kami sa canteen ni Drake.

"Kaklase mo pala si Klein eh." Oh edi wow.

"Sana nga hindi nalang." I smirked.

"Bakit naman?" Aniya.

"Nakakainis, napakayabang. Parang nung nakaraan lang okay na kami tas ngayon gaganyan sya. Nakakairita. Ang sarap nyang bigwasan eh." Chill cassandra.

"Oh, baka mamaya ako mabigwasan mo hahaha. Hayaan mo na. Di nga rin namin alam parang bumabalik na sya sa dati." Fuccboi? Womanizer? Cassanova? Alin dun?

"Hindi sya fuccboi. Hahaha! He's just.. aish. Nevermind. Papalit palit lang talaga sya ng babae." Ahh.

"Hayaan mo sya. Dyan sya masaya eh."

"Eh ako kelan mo ko hahayaan maging masaya?" Huh? What does he mean?

"Huh? San kaba sasaya?" May pagtatakang tanong ko.

"Ang mahalin ka." Yan nanaman ang "Mga Banata ni Drake 101"

"Tch. Hahaha, grabe to." Nagtawanan lang kami, and nakita na namin si Kuya sa may canteen.

"What took you so long?" Tanong ni kuya saamin.

"Gago, ang sabihin mo kanina kapa dito. Kasi sabi mo sa sir nyo, magccr ka pero di kana bumalik tanga." Aish! Kuya talaga!

HIDDEN FEELINGS [ON-GOING]Where stories live. Discover now