Lihim na Pag-ibig

1.1K 5 2
                                    

  I.          

Sa tatlong taong ika'y aking kapiling

Napamahal ka na ng lihim sa akin

Sa mga ngiti mo na nakahuhumaling

Biyaya ng Diyos na siyang aking hiling

II. 

Sa nalalapit na pagtatapos natin

Hiling na sana'y masambit ang lihim

Hindi man suklian ang aking pagtingin

Tatanggapin ng walang sakit na kimkim

 III.

Masakit man na sa sarili'y aminin

Una pa lang hindi ka magiging akin

Isa lang naman ang aking alam giliw

Pag-ibig ko sayo'y di magmamaliw.

..............................................................................................................

Para ito sa lalaking matagal ko ng inibig. Hindi ko man naipaalam sa iyo ang lihim kong pagsinta, hindi ko naman makakalimutan ang mga taong nakasama kita.

.. 

Lihim na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon