I.
Sa tatlong taong ika'y aking kapiling
Napamahal ka na ng lihim sa akin
Sa mga ngiti mo na nakahuhumaling
Biyaya ng Diyos na siyang aking hiling
II.
Sa nalalapit na pagtatapos natin
Hiling na sana'y masambit ang lihim
Hindi man suklian ang aking pagtingin
Tatanggapin ng walang sakit na kimkim
III.
Masakit man na sa sarili'y aminin
Una pa lang hindi ka magiging akin
Isa lang naman ang aking alam giliw
Pag-ibig ko sayo'y di magmamaliw.
..............................................................................................................
Para ito sa lalaking matagal ko ng inibig. Hindi ko man naipaalam sa iyo ang lihim kong pagsinta, hindi ko naman makakalimutan ang mga taong nakasama kita.
..
BINABASA MO ANG
Lihim na Pag-ibig
PoetryTula ito para sa matagal ko ng crush. Balak ko sanang ibigay sa kanya toh kaso nga lang nahihiya ako ee. Hanggang sa gumraduate na kami hindi na tuloy nabigay. Kaya eto shinare ko na lang dito. (-__-) At least may makakabasang iba kahet hindi siya.