"Jas,sige naman na ohh..kulang naman ako ng bente baka pwedeng pumayag na kayo."
Kulang na lang maglupasay ako dito na paki usap ko sa aking bestfriend na payagan na nasa kissing booth na pinagbabantayan niya.
Valentines day ngayon dito sa aming school at isa ang kissing booth sa mga pakulo dito. At isa rin na aking pinakaka abangan..
"Di ibig sabihin na bestfriend kita papayagan na kita. Ako naman ang malalagot sa head namin." sagot ni Jasmine.
"Pestie, sige na ohhh parang awa mo na. Akala ko kasi thirty pesos lang ang sa kissing booth ehhh. Kaya pinambili ko na ng chocolate yung bente kanina."
Lumingon siya sa akin at matalim na tumingin.(>_<)
"Chocolate???? Hindi ka naman mahilig sa chocolate ahhh. Huwag mong sabihin na binigay mo na naman kay Fritz." Nakataas ang dalawang kilay na sabi nito sa tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa aking mga paa at saka tumango. Napabuntunghinga na lamang siya tsaka kunyari nagpakabusy sa pag aayos ng mga papel.
"Sige naman na Jas, pautangin mo na lang ako please. Ito na ang chance ko para mahalikan si Fritz. Asan na nga pala siya hindi ba dapat kasama ka niya dito siya ang prince charming na hahalikan. Ehhh nasan na siya???"
Ngumuso si Jasmine at sinundan ko naman ito ng tingin hanggang saan nakaturo ang nguso niya. At nakita ko na nakayakap sa kanyang braso ang kilalang haliparot na babae dito sa campus walang iba kundi si Natalie.
Napasimangot ako at sabay na nangulit kay Jasmine na pautangin na ng twenty pesos. At dahil beastfriend kami ay este bestfriend kami pinagbigyan niya ako sa aking hiling.
Niyakap niya ako at bago pa man ako makapunta kay Fritz para mahalikan na ito ay pinaalalahan ako ng aking beastie..
"Ikaw ang unang nagbayad hablutin mo na siya papunta dito. Teka tutulungan kita."
Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya sumunod na lang ako sa kanya..
"Natalie.." sabi ni Jas, ng makalapit kami sa dalawa.
"Natalie, tawag ka ni Ma'am Dracula sa library." Sabi ni Jas. Nagtataka man ay sumunod na lamang ito at bago pa man makaalis ang linta na tohhh lumandi muna ito kay Fritz."Wait lang Fritz ahhh. Hahalik pa ako sayo. Tandaan mo nagbayad ako ng fifty pesos. Hintayin mo ako saglit." Sabi nito sabay takbo papuntang library.
Kahit nagngingit ako sa galit dahil sa mga narinig ko ay hinila ko na si Fritz papunta sa kissing booth.
"Nagbayad na ako ng fifty pesos kay Jasmine. Kaya halika na!!!."
Kaya wala na itong nagawa at sumunod na lang sa akin. Natatawa na lamang si pestie na nakasunod sa amin.
Ng maka upo kami sa picture booth upang kunan kami ng picture. Ang naka abang na labi ko para halikan siya sa pisngi saka naman dumating si Jasmine para kunan kami ng picture. Dahil nagmamadali kami bago pa dumating si haliparot na Natalie ay humalik na ako kay Fritz pero hindi dumampi ang labi ko kanyang pisngi kundi aksidenteng dumampi ang labi ko sa kanyang
mga labi...
Dahil napaharap siya sa akin para bigyan ako ng mga paalala sa mga gagawin.
Pareho kaming nagulat. Ang flash ng camera ang nagpabalik sa akin ng ulirat. Kahit sa two seconds na yun ay huminto ang mundo ko.
Nararamdaman ko ang mga nagwawalang elephante sa tiyan ko. Oo elephante hindi butterfly dahil masyadong malakas ang sipa nito sa aking tiyan. Tumingin ako kay Fritz kahit siya ang nabigla rin. Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Basta ito ang first kiss ko at hindi lang ito ang last kiss ko na mangagaling kay Fritz na taong minamahal ko.
Oo, mahal ko ang lalaking unang nakahalik sa mga labi ko..
~kung may ibang taong dapat na mahalin ay walang iba ay kundi ikaw~
~walang ibang makakapigil pa sa akin
~binuhay mo muli ang takbo at tibok ng puso sayong pagmamahal
~ang buhay koy muling nag iba
~napuno ng saya
~sa lahat ay di maari, di maaring iwan
~wala ng makakapigil kahit na bagyo man
~paano kung ikaw na mismo ang kusang lilisan
~paano ba
~kung mawalay ka sa buhay ko
~kung pag-ibig mo ay maglaho
~paano na kaya ang mundo...
BINABASA MO ANG
DEVIL BESIDE ME
Teen FictionPaano mo kukumbinsihin ang isang pusong nagmamahal na tumigil na sa pag-asa???? Paano ba??? Paano nga ba kung ang kanyang unang pag-ibig ang nagsusumigaw sa kanyang puso at pilit pinapaalala sa sarili na siya na rin ang huli...