CHAPTER 2

2.9K 58 4
                                    

"Uyy Fritz.." Tawag ko sa kanya dito sa aming quadrangle. Nasa gitna siya at ako naman nasa dulo.

Two weeks na since aksidenteng mahalikan ko siya sa labi. Na hanggang ngayon dama ko pa rin ang malalambot niyang labi sa aking labi.

Kanina pa ako nagpapansin sa kanya ngunit tila di niya ako napapansin. Napipikon na ako sa kanya at kahit alam kong maraming tao noon sa quadrangle. Lumapit ako sa kanya sabay hinila ang laylayan ng polo. Tiningnan niya lamang ako at saka muling tinuon sa kanyang ginagawa.

Hinarap ko siya.

Tumalikod siya.

Kinalabit ko siya na parang isang batang naghahanap ng atensyon.

"Hoy!!! Huwag ka nga magpanggap na hindi mo ako naririnig."  Pabulyaw kong sabi sa kanya.

Napalingon sa amin ang ibang estudyante na malapit sa amin. Pero di naman ito masyadong pinansin. Pero kahit anong gawin di pa rin ito natitinag sa kanyang ginagawa kaya naman sa galit ko.

Lumuhod ako sa kanyang harapan. Na naging agaw atensyon sa mga estudyanteng  nakakalat sa quadrangle at nagsimula ang mga bulungan.

Nagulat siya sa aking ginawa. Kahit ako hindi ko inaakala na magagawa ko tohh. Para lang mapansin niya ako. At dahil sa ginawa ko bigla binitiwan ng iba ang kanilang gingawa para subaybayan ang susunod na mangyayari.

Napalunok na lang ako ng sarili kong laway. Nandito na tohh hindi ba matapang naman ako papanindigan
ko na lang tohh.

"Fritz,.."  sabi ko sabay hawak sa mga kamay niya na hindi niya naman binawi dahil kahit siya rin ay naguguluhan sa nangyayari.

"Fritz, kailan mo ba ako sasagutin???." Medyo malakas na sabi ko na narinig ng lahat na nakikinig.

Mga ilang second din na walang nagbigay ng reaction. Tinitingnan ko si Fritz sa kanyang mga mata na unti unting nakikita ko ang pagka irita. Hanggang sa may isang ng asar, hanggang sa naging dalawa, tatlo at lahat na sila ang ng asar.

Bago pa man ako makatayo ay nagsigawan na ang pananuksong estudyante. Doon pa lang bigla akong nahimasmasan.

Bakit ko yun nagawa??? Tumayo ako at saka tumingin kay Fritz bago ko pa man siya matingnan sa kanyang mga mata. Tumakbo na siya papalayo sa mga mapanuksong mga tao.

Tuluyan na siyang lumayo sa akin.

****
"Fritz, para sayo." Sabay abot sa kanya ng pagkain na nasa tupperware tsaka ng mangga.

Lunch break na namin ngayon kaya halos lahat na estudyante ay nandito sa canteen. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Kain ka na. Ito masarap tohh ako ang naluto nito di ba paborito mong ulam ang..."

Ng bigla siyang humarap at bigla niya akong hilahin palabas ng canteen.  Huminto kami sa may di kalayuan sa canteen kung saan walang gaanong estudyante.Nakita ko ang mga matatalim niyang tingin.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan. Kababae mong tao ikaw pa ang lapit ng lapit. Nung una sa akin ka lang nagpapansin. Tapos ngayon mga kaibigan ko naman. Next time sino naman sina mommy at daddy???? Nasaan ang hiya mo di ka ba marunong maghintay na lalaki ang unang lalapit at magpapakita ng interes sayo.??? hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo na hindi dapat babae ang manligaw ???? Sunod sunod na sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita pero naramdaman ko ang malakas na pagkabog sa puso ko at ang mabilis ng pag-init ng gilid ng aking mga mata na tanda ng pagbagsak ng aking mga luha. Ilang segundo din akong di nagsalita at ang tanging sulosyon ko para makatas sa masakit ma sitwasyon na yun. Ay ang tumakbo palayo sa kanya. Ang tumakbo ng sobrang bilis di ako lumingon. At hindi niya ako hinabol. Tagos pa rin sa aking isipan ang mga salitang binitiwan ni Fritz.

~Tingnan mo ang katotohanan tayoy na pare pareho lamang

~May damdamin ding nasasaktan ang puso mo ay nasaan

~ikaw ay aking minahal kasama ko ang maykapal

~ngunit ako pala'y isang hangal na naghahangad ng isang tulad mo

~hindi ko na kailangan, umalis ka na sa aking harapan

~damdmin ko at pagsuyo sayo ohh ay naglaho na

~at ito ang tandaan masyado mo akong sinaktan

~pag-ibig at pagsuyo at kahit na sa luha pagbabayaran mo...

DEVIL BESIDE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon