PROLOGUE

4 0 0
                                    

"Athena! Gawin mo nga toh!" sabi sakin ni Thania.

"Eto din! Pakisagutan na. Ayusin mo hah?! Walang Mali dapat" sabi naman ni Dianne.

"Opo. Unahin ko lang 'tong assignment ko." Sabi ko. At inilapag yung mga notebook nila sa may gilid ng table.

"Mamaya na yan!" Sigaw ni Thania tapos hinagis niya yung notebook ko sa may gilid. Nakita Kong napunit ang ilang bahagi nito.

"Unahin mo muna yung samin! Hindi ka pinapalamon dito para unahin ang sarili mo tandaan mo yan!" Sigaw ni Dianna at lumabas na ng kwarto ko sumunod naman sa kanya si Thania.

Napatitig nalang ako sa kabuuan ng kwarto ko, kung kwarto man ang tawag mo dito. Kung tutuusin. Isa lamang 'tong hamak na bodega at inayos ko lamang.

Napatingin ako sa larawan na nasa may gilid ng lamesa ko.

"Nay, bakit iniwan niyo ko agad? Bakit kasi inunahan niyo ko eh! Hindi na bale. Mag aaral ako ng maigi. Titiisin ko lahat toh. Kayang kaya ko 'toh! Matatag ako eh." Sabi ko at niyakap ang larawan ni Ina.

Tinapos ko na ang assignment nina Dianna at Thania. Kinuha ko naman yung sakin. Habang sinasagutan ito, unti-unti akong nakatulog.

Goddess Behind GlassesWhere stories live. Discover now