CHAPTER 1

5 1 0
                                    

CHAPTER ONE: MEET ATHENA MIKAEL SALVADOR

Athena's PoV

Beep-Beep-Beep

Napabalikwas ako ng madinig ang mga tunog na ito. Haysst. Sabi ko nga alas tres na ng umaga. Kailangan ko ng kumilos bago gumising sina Tiya. Kailangan makapagluto na ako.

Agad akong tumayo at naligo. Dali dali akong lumabas at inumpisahan ng magsaing.
Nagluluto ako ng itlog ng madinig kong magsalita si Tiya.

"Hmmm. Ang bango naman ng niluluto ng pamangkin ko." Sabi ni Tiya.

"Ay! Gising na ho pala kayo. Magandang umaga po." Sabi ko sa kanya.

"Magandang umaga din. Anu ba yang niluluto mo Athena?" Tanong niya.

"Sardinas po na may itlog. Namiss ko po kasi yung ganung ulam." Sabi ko habang inaayos ang pagpi pirito.

"Ayos! Masarap naman talaga iyan. Ay teka muna at ako'y maliligo na. Hmmm~ ang baho ko na." Sabi niya at umalis na.

Matapos kong magluto ay hinain ko na ang kakainin nila. Mamaya na ko kakain kapag tapos na sila. Ganun naman palagi. Bawal ako sumabay sa kanila. Hindi dahil sa ayaw ni Tiya kundi ayaw nila Dianna at Thania. Isang hamak na sampid lamang ako sa paningin nila. At totoo naman iyon.

Sinagutan ko na muna ang assignment na natulugan ko kagabi at nagbihis na upang pumasok.

"Dianna, Thania, ito na pala assignment niyo." Sabi ko sa kanila.

"Tapos ba ito? Tama lahat ng sagot?" Tanong ni Thania.

"Aahh. Oo. Pare-pareho lamang ang mga sagot natin" sabi ko.

"Siguraduhin mo lang Athena, dahil kung hindi. Tandaan mo, babasagin ko yang salamin mo" pagbabanta naman ni Dianna.

Ngumiti na lamang ako sa kanila at umalis na. Oo, umalis akong walang kain. Bakit? Dahil anung oras na at nasa hapag kainan pa silang dalawa. Hindi ako maaaring kumain kapag nandun sila dahil aawayin nila ako. Hindi ko na din sila hinantay na matapos dahil mahuhuli ako sa klase.

Nilakad ko mula sa bahay hanggang sa school. Medyo malayo mga 30 mins kung lalakadin. Pero mas mabuti na iyon kesa sumakay ako. Sayang ang kinse pesos na pamasahe. Magagamit ko iyon kung may project.

Pagdating sa gate ay may lumapit saking grupo ng mga kababaihan.
At nangunguna dito si Michelle Anne Ledesma. Ang kinikilalang "Campus Queen Bee." Maganda, sexy, mataray, halos lahat ng kalalakihan dito may gusto sa kanya.

"Hi Athena~" sabi niya sakin using her sweet voice.

"Ahh, hello." Sabi ko.

"Ang cute naman ng hair mo." Sabi niya sakin.

"S-salamat." Sabi ko naman.

"Hawakan siya" utos niya sa mga alipores niya, at hinawakan naman ako ng mga ito.

"Bitiwan niyo ko!" Sabi ko. Ngunit parang wala silang nadidinig.

"Thania, akin na." Sabi ni Michelle Kay Thania at may inabot siya dito.

"Anung gagawin mo? Wag!" Sigaw ko ng makita kong may hawak itong gunting.

"Manahimik ka nga!" Sigaw sakin ni Dianna at sinampal ako.

"Very good Dianna, now. Let's give her a new hairstyle." Sabi ni Michelle at nagsimula na siyang gupitin ang buhok ko.

Wala akong magawa. Pinipigilan ko sila. Ngunit wala silang pakialam. Sumisigaw ako ng tulong ngunit tawa ang nadidinig ko mula sa ibang tao. Bakit ganito? Anu bang kasalanan ko?

"PRRRRTTTTT! ITIGIL YAN!" saway ng security guard namin at nagsialisan naman silang lahat. Iniwan akong gulo gulo.

Wala na ang buhok na iningatan ko. Wala na.

Tumayo na lamang ako at pinagpag ang mga nagkalat na buhok sa sahig. Ibang klase.

Ganto ba sila sa isang hamak na scholar? They should be thankful that I don't want to fight, dahil malaki ang possibility na nawala ang scholarship ko. Kailangan kong makapag tapos.

Pumunta ako ng CR at naghilamos. Inayos ko ang uniform ko. At pinagpag ang suot na damit.

"Anung nangyari sa buhok mo?" Tanong sakin ng isang babae.

"Napagdiskitahan ka nanaman ba nila?" Sabi ng kasama nito.

"Oo. At wala nanaman akong nagawa." Sabi ko.

"Alam mo Athena. Minsan, Hindi masama ang lumaban. Kawawa ka na eh. Tignan mo yang itsura mo? Mukhang kang gusgusin." Sabi ng babae.

"Teka, may extra akong uniform dito. Yun muna ang gamitin mo. Hubadin mo yan at magpalit ka" sabi ng kasama niya.

"Bago yon. Ayusin muna natin yang gupit ng buhok mo." Sabi ng babae.

"Bright Idea Aphrodite! Teka may gunting ako dito" sabi ng kasama niya.

"Sino nagsabi ng ikaw ang maggugupit ng buhok niya Artemis? Wala akong tiwala sayo." Sabi ng babaeng tinawag ng kasama niyang Aphrodite.

"So anung gagawin natin?" Tanong kasama niyang si Artemis

"Tatakas tayo." Sabi ni Aphrodite

"Delikado yang nasa isip mo" sabi ko.

"Sinong nagsabi? Pedeng pede ako magpa alam kay Manong Guard. Close naman kami eh." Sabi ni Aphrodite.

"Pero may klase pa ko". Reklamo ko.

"Duh! Magkakaklase kaya tayo!" Sabi ni Artemis.

Kaya pala pamilyar sila.

"Tara na nga!" Sabi ni Aphrodite at hinila na ko palabas. Kinausap nila si Manong Guard at hindi ko alam kung ano ang sinabi nila para mapapayag ito.

"Ano Athena? Game ka na hah! Tara!" Sabi nila at may humintong sasakyan sa harap namin at sumakay kami doon.

"Bakit ba lagi kang binubully Athena?" Tanong ni Aphrodite.

"Hindi ko nga alam eh. Simula ng makita ako ni Michelle ehh lagi na niya akong inaaway." Sabi ko.

"Kahit si Dianna at Thania. Inaaway ka din. Pinsan mo sila di ba?" Sabat ni Artemis.

"Yeah, sa mother side." Sabi ko.

"Baka naman naiinggit lang sila sayo kaya ganon" sabi ni Aphrodite.

"Wala silang dapat kainggitan sakin" sabi ko naman.

"Akala mo lang yun. Ang swerte mo kaya!" Sabi ni Artemis.

"Ulila ako. Anung swerte dun?" Tanong ko.

Sabay silang napatingin sakin. Oo. Ulila na ko. Kaya kung isipin anung swerte sa pagiging ulila?

"Ulila ka nga pero nandito ka sa harap namin at patuloy na nag aaral." Sabi ni Artemis.

"Hindi ka sumuko. Matapang ka. Pero bakit di mo sila kayang labanan?" Tanong ni Aphrodite.

"Dahil ayokong mawala ang scholarship ko. Ang alam ko kasi si Michelle ang anak ng isa sa mga big investors ng school. Baka pag pinatulan ko siya, mapatalsik ako bigla." Sabi ko.

"Yun lang ba? Sige akong bahala sa scholarship mo." Sabi ni Artemis.

"Ehh? Pano?" Tanong ko.

"Basta." Sabi ni Artemis at ngumiti na.

"Nandito na tayo!" Sabi naman ni Aphrodite.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan.

"Anung gagawin natin diyan?!" Tanong ko.

"Basta. So ano? Tara na?!" Sabi nila at hinatak ako pa labas ng sasakyan .

Heeeelllllpppp mmmmeeee!!!!!

Goddess Behind GlassesWhere stories live. Discover now