Chapter 1

403 10 2
                                    


Ako si Aimie, Aimie Dela Cruz. Isang simpleng high school student ng public school. Medyo matalino kasi nasa highest section ako. Yeah. Kahit hindi kapani -paniwala. Pero nakapasa naman ako bilang SSC (Special Science Curriculum ) student, yun yung pinakamataas na section. Nakakagulat nga eh di ako makapaniwala. Haha. Sabi nila kahit papaano maganda naman ako. Chos! Haha. Sabi nila eh. Pero syempre hindi naman ako naniniwala. Ako yung tipo ng estudyante na hindi friendly. Kung papansinin mo ko, papansinin kita pero kung hindi, wag ka ng umasa na ako yung unang kakausap sayo. Aww! Taray no? Haha. May pagkamaldita din ako lalo na kung ako naman ang tama. Yeah. Ganon ako! Pero mababaw lang naman ang kaligayahan, sa simpleng bagay napapasaya na ko ng mga kaibigan ko. Pero mabilis lang din ako mapaiyak. Mababaw kasi ang mga luha ko.

Nagsimula ako ng g7 kasama yung classmate ko nung elementary, si Denice. Tinuring ko na rin siyang kaibigan kasi wala naman akong makakausap sa room... siya lang. So wala akong choice. Nung una, medyo naninibago pa ko. Pero kahit papano. Nasasanay na din ako. Hindi ako naging honor student dahil napakatalino ng mga classmates ko. Hindi ko sila kayang tapatan.
Nung g8 na may mga kaibigan na din ako. Saka medyo close na ko sa kanila. Marami na ring nagbago.

Pero.... nag-iba ang takbo ng buhay ko nung humanga ako sa isang classmate ko. Naging crush ko si Archie Dumasan. Ang top 1 ng section namin.

"Siya na naman pala yung top 1 natin?"

"Oo nga eh, palagi naman siya. Talino kasi"

"Galing niya no?"

Hindi na ko nagtataka kung sino yung top 1 ngayong grade 8. Tinatanong pa ba yun? Hindi pa talaga sila nasanay. Yan ang nasa isip ko bago ako umupo sa upuan ko sa bandang likod.

"Uy Aimie! Kamusta? Si Archie na naman ang top 1 natin. No wonder kung bakit mo siya naging crush!" Sabi ng kaibigan kong si Jade

"Uy! Si Aimie kinikilig! Icongrats mo naman siya mamaya!" Sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Dasuri.

"Bahala nga kayo dyan basta bahala na siya. Alam na niya yun. Matalino siya diba? Kahit hindi ko na icongrats! " sabi ko naman.

"Hay! Lagi ka naman ganyan!" Sabay pa nilang sabi.

Grabe talaga sila. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko tong mga to eh! Mayamaya pa...

"Congratulations Archie!!!" Sabi ng lahat maliban sakin.

Nagsmile lang siya. Grabe napakacold talaga niya. Hindi man lang magthank you?! Nakakainis! Teka. Bakit nga ba ako affected eh hindi naman ako nagcongrats? Hays. Nakakabaliw.

"Guys last na pasok na natin to! I'm sorry pero may isang matatanggal sa inyo, next year Hindi niyo na siya makakasama" sabi ng adviser namin. Hays. Ayoko kapag may natatanggal samin eh. Sayang kasi talaga. Nakakalungkot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush StoryWhere stories live. Discover now