25.1 Tiffany & co.

118K 4K 326
                                    

Location: France
Store: Tiffany & Co.

Natasha

Hinawakan ko nang mahigpit ang singsing na hawak hawak ko ngayon habang nakikinig sa lalaki na nasa tabi ko.

"Yes please...and that one too." Nilingon ko kung anong pinapakuha niya sa saleslady. Hmm not bad. But not good either.

Ibinalik  ko ang tingin ko sa singsing na hawak ko. Much better.

"Babe! Where are you?"

"Steff diba sinabi ko sa'yo may importante akong lakad?"

"Where exactly?"

"Business. I need to go. I love you."

Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Okay, it's showtime.

Umakto akong nagtitingin ng iba't ibang disenyo ng singsing habang medyo papalapit ako sa kinatatayuan ni Seb.

"Oh! Miss!" Pang aagaw pansin ko saka ko bahagyang itinaas ang kamay ko. Palihim akong napangisi nang tumingin siya sa banda ko.

"Yes ma'am?"

"I would like some help please."

"My pleasure ma'am. What is it?"

"Do you have this..." Sinabi ko sa kanya yung design na gusto ko at wala pang isang minuto nang bumalik siya.

"Here you go, this is actually one of the best designs here. Enjoy." I smiled nang inabot niya sa'kin ang singsing. Much more better.

Isinuot ko 'to sa daliri ko.

"Miss?"

Okay na kaya 'to? "Wow." This looks very expensive.

"Uhh Miss?"

Tinanggal ko yung singsing sa daliri ko at nilingon ko yung nagsalita. Nagkunwari akong nagulat at sinasadya ko ding mabitawan yung singsing.

"Oh my god!" I faked shocked. Nilagay ko yung kamay ko sa dibdib ko.

"Sh*t. I mean I'm sorry." Inilapag ni Seb ang hawak niyang box na may lamang singsing saka niya ako nilapitan. Yeah right.

"I didn't mean to surprise you..."

"The ring..." Kunwari hindi ko siya napapansin hanggang sa dumating yung matandang saleslady na nag assist sa akin kanina.

"Is there something wrong here?" I cussed under my breath at mukhang narinig naman yon ni Seb. Is it me or I can see guilt on his face?

Pfft. Guilt? Seb? Who am I kidding.

That will never happen.

"I'll pay for the ring." Mabilis akong napatingin sa direksyon niya. What the heck am I?! Poor?!

"No no." Kumalma ako bago ako nagpatuloy. "I can pay the ring." Tuluyan akong tumingin sa mata niya.

"Zyneth?"

"Pardon?" Mukha yata siyang natauhan at tinignan niya ang kabuuan ko.

"I'm sorry but have we met before?"

Yes. Way before.

Pero syempre di ko yun sasabihin sa'kanya.

"I don't know."

Fatal RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon