Chapter 3: Lewis Twins

32 5 0
                                    

XAISEN's POV

 Ilang araw na rin lumipas simula nung nagkwento si Yon, di na masyadong nagpupunta dito sa bahay si Yonyon, busy na kay Melody eh. At ilang araw na rin na di pa ako nagpapakilala ng Matino. Ako nga pala si Kaisen Drei Laurino,, halos lahat ng malalapit na tao sakin tawag sakin ay Kaye. Si Yonyon or Darreon Lewis lang ang tanging tumatawag sakin ng KaiKai. Bestfriend ko kasi siya since birth. Mag isa lang ako ngayon sa bahay, hiwalay na ang parents ko. Si Mom nasa States may iba ng pamilya while si Daddy nasa Manila, simula ng naghiwalay sila ni Mom, mas nagfocus na siya sa company niya. May 2 akong kapatid yung isa nasa states yung isa nandito sa Pinas, di ko pa nakikilala yung nasa states at pero yung Kuya ko, pangalan niya ay Xent Drew Laurino, di kami pareho ng tinitirahan eh, close naman kami kaso magkaiba talaga kami ng mundo.

back to story .. eto ako ngayon nagmumukmok... pano ba kasi bakit pa ako nag malaLondon bridge. hmmpp.papasok nanaman tuloy ako sa school ng mag isa. Medyo loner.

bumaba na ako sa sala para kumain.

"Oh ija, darating ba si Darreon?" 

umiling ako , at kinain ko na ung hinandang almusal ni Nanay 

"masyado po kasi siyang busy ngayon" sabi ko

"aba't bakit ikaw hindi busy?" 

"iba naman po kasi ang inaasikaso niya nanay, hindi ko po sakop yun." sabi ko at sakto ubos ko na rin yung pancakes bilis no? ganyan talaga pag umiiwas sa mahabang usapan

"naku ija, pagpasensyahan mo na ako. Hindi lang siguro ako sanay na hindi kayo nakikitang nagbabangayan." 

Tumango na lang ako at pumunta sa garahe

"Kaye ija! Ikaw bata ka ha? may manliligaw ka na pala." tuwang tuwang sabi ni mang ed habng inaabot isang boquet ng mga pulang rosas habang ako naguguluhan

"ha? Mang Ed? Kanino to galing? gulatat nagtataka kong tanong

"Di mo alam kung kanino yan galing? Abay pagkagising ko at pagkapunta sa harap ng gate nakita ko iyan, tignan mo na lang at may card diyan. Sige ija, Ihahanda ko na ang kotse" 

"Sige po" inikot ko sa dalawang kamay ko yung mga rosas at nakakita ng isang maliit na card.

  "Good Morning! ♥ "

yan lang ang nakasulat.. goodmorning . wala man lang from ganito.. nakakabuang. Ready to go na ako kaya, sumakay na ako ng kotse. SI Mand Ed ay ang aming family driver.

*school*

buti na lang maaga aga akong nakapasok, hindi pa ganun kadami ang tao. umupo na lang ako nagsalpak ng headset at sinubsub ang mukha sa desk.. pero mga ilang minuto palang lumipas 

"KAYE!!KAYE!!" sino ba to? ang aga aga

"ANO B..". tumingala ako para tignan kung sino

O.O

"FRAN-- FRANCES?" hinawakan ko yung mukha niya at inalog alog

"STOP! STOP! I'M GETTING DIZZY" Sabi niya at biglang hiniwakan kamay ko

Nakalimutan ko nga palang ipakilala sa inyo si Frances ang kambal ni Darreon, oo tama kayo ng basa may kambal si Darreon pero madali mo namang malalaman kung sino ang sino, si Frances kasi may nunal sa gilid ng kaliwang mata.

nakatitig lang ako sa kanya

"Why are you looking ate me like that? May dumi ba mukha ko?" hinawak hawakan niya mukha niya

"Paenglish english ka pang alam diyan! Nasa Philippines ka no!" sabay hampas sa kanya

"You're still a sadist." nagsmirk ang loko sabay pisil sa ilong ko

"ARAAAY ARAAAY! MASHAAKEEET!" napatigil siya sa pagpisil ng ilong ko ng mapansin niyang nakatingin na samin lahat , nagsibalikan naman sa mgakanya kanyang gawain mga classmate namin, sakto kakapasok lang ni Melody kasunod si .. yonyon . pareho silang nagulat ng makita si Frances

"Puff sino siya?/ FRANCES?" laking gulat ni Melody, first time lang kasi niyang makita si Frances transferee kasi si Melody.. lumapit sila samin

"DARREON, FINALLY YOU'RE HERE" Nagbro fist ang magkapatid sabay tingin kay Mel

"You're Mel right? Nice meeting you!" nilahad niya ang kamay niya kay Mel "FRANCES nga pala, kambal ni Darreon, Although mas matanda siya sakin ng 5minutes." nagpapacute ang loko

"Oh i see" nakipagshake hands naman si Mel

bigla namang dumating ang teacher namin, Filipino ang first subject namen, Medyo strict ang prof. na palabiro.

"Mr. Lewis nagbalik ka?" 

"Yes sir, para sayo!" sabay kindat

"Mabuti, osiya maghanap ka ng mauupuan mo, gusto mo dito ka sa tabi ko?" pabirong sabi ni Sir

"Sir dito na lang po sa tabi ni Ms. Laurino" pagprisinta ni frances

tumango naman si Sir at naglakad papalapit sa kin "Kinabog mo ang hair ko dai, dalawang Lewis ang katabi mo" 

napalingon ako bigla kay Mel, nakatingin ba siya ng masama sakin? tinignan ko ulit. ah nakangiti pala, nginitian ko din siya

bali ganito ang seating arrangement nasa 2 row kami. 

Classmate > Mel >  Darreon > Ako > Frances > Bintana

natapos ang buong klase na may napagalitan at tawanan, ibang subject lipat ng room pero same seating arrangement.

"Puff, daan muna tayong coffee shop bago umuwi? Tsaka puff wait lang may checheck lang ako sa labas" nakapout na sabi ni Mel kay Yonyon.

ngayon ko lang narealize na endearment pala nila ang puff

"Osige puff" bigla namang pinisil ni yonyon yung cheeks ni Mel. at lumabas na si Mel ng room , hello! Bestfriend here nagseselos

"Hey bro! girlfriend mo?" pang uusisa ni Frances

"Hindi pa."

"Really? Eh akala ko.." bigla namang tinakpan ni yonyon yung bibig ni frances at hinila palabas pinagmasdan ko lang sila , tumayo muna ako nagpuntang cr para makapag ayos, medyo haggard na din.

bago ako makapasok sa cr may narinig akong mataray na tono

"No way! I won't let him ruin my life here. Besides I'm happy.."

biglang nag eek yung pinto..

"Kaisen?" gulat niyang sabi

-

masipag po akong mag update ngayon.hihi <3 salamat kay  nibeebabes for cheering me up to continue this story ♥ ♥

 melody's picture >>>>>>>>>>>>>>>>>>>

I love 2 at The Same Time (fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon