Violet's POV
Pagkatapos ng klase break time na kaya nandito kami ngayon ni Sam sa canteen andaming tao buti nakahanap kami ng mauupuan
"oy ikaw huh"sabi niya na parang kinikilig
"bakit?"tanong ko kasi wala talaga akong alam sa pinagsasasabi niya
"hindi ka kinikilig nung nakatabi mo si Spade?grabe ka ang gwapo gwapo kaya nun"sabi niya na parang iniimagine niya si Spade,gwapo?gwapo ba yun?oo na oo na gwapo nga pangit naman ugali edi panget narin
"yun gwapo?ampangit pangit nun eh"sabi ko ng Naka busangot
Tiningnan naman niya ko na parang pinapaamin"oo na gwapo na kaso pangit ang ugali kaya pangit na rin"sabi ko nag sad face naman siya sa sinabi ko kaso nung may parang naalala siya ngumite naman ng napakalapad, ano ba namang nangyayari dito sa babaeng to napaka bipolar
"hoy problema mo para kang t@nga jan"sabi ko pero ngumite lang siya kaya hindi ko na lang pinansin baka pati ako mahawa sa kaabnormalan niya
Habang kumakain ako biglang may nagsalita
"alis"medyo malakas ang pagkakasabi niya nun
"pwede ba Scarlette hindi ka namin ginugulo kaya umalis na kayo"mahinang sabi ni Sam kay Scarlette at sa mga alipores niya at kasama nadun ang pinsan Kong si Angel na akala mo naman anghel talaga. Si Scarlette nga Pala ay kapatid ni Sam
"Scarlette"bigla namang may lumapit na lalaki teka si Spade to ah anong ginagawa niya dito?
"S-spade?"sabi ni Scarlette na parang hindi inaasahan na makita si Spade
"anong ginagawa mo? Bakit mo sila pinapaalis"oh my g nagtitinginan na yung mga tao dito napatingin naman ako kay Sam mukha siyang nakakita ng multo ganon di si Scarlette magkapatid nga sila
"a-ahh k-k-kasi"hindi na natapos ni Scarlette yung sasabihin niya
"dun kayo sa labas kung papaalisin niyo sila dito"sabi ni Spade na seryoso yung mukha
Sila Scarlette naman umalis na halatang nainis si Scarlette sa ginawa ni Spade at yung mga tao nagbubulungan naTiningnan ko si Spade ang gwapo Pala niya wag lang siya magsasalita ng masasakit at masasamang salita mukha siyang anghel
Nagulat ako ng inabutan niya ko ng panyo,bakit niya ko binigyan?
"laway mo tutulo na,natulala ka kasi sa kagwapuhan ko eh"sabi niya ng may nakakalokong ngiti pasimple ko namang kinapa labi ko,wala naman ah loko yun
"wala naman eh"sabi ko sa naiinis na tono
Tiningnan ko si Sam ganun pa rin itsura niya"hoy Sam anong nangyari sayo"sabi ko at kinaway kaway sa kanya yung kamay ko kaya natauhan siya
"huh may sinasabi ka"napailing na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Spade hindi pa din umaalis ang loko
"hoy bakit andito ka pa?alis"sabi ko na tinataboy siya ng parang aso
"wow huh pagkatapos ko silang paalisin para sayo papaalisin mo ko tapos hindi ka pa marunong mag thank you"sabi niya na parang bata, teka akala ko ba siga to eh bakit ganto?
"hindi ko naman kasi sinabing paalisin mo sila"pagsusungit ko sa kanya
"eto naman ang sungit sungit"sabi niya ng Naka simangot
"umalis ka na nga, kala mo naman ang gwapo gwapo mo"nqiinis Kong sabi
"gwapo naman talaga ako eh"sabi niya sabay kindat
"umalis ka na!pakindat kindat ka pa,kala mo gwapo ka?"medyo malakas pagkakasabi ko nun kaya napatingin yung iba
"eto na nga aalis na,sungit nito."sabi niya at naglakad paalis pero bago siya umalis sumigaw pa ng sunget,baliw talaga yung isang yon
BINABASA MO ANG
I'm Paid To Be His Girlfriend
Teen FictionAko si Violet Lorco 17 year's old at ulilang lubos pero meron akong tatlong kuya Mayaman dapat kami kasi nasa ibang bansa ang dalawa kong kuya at nagpapadala sila ng pera kada buwan Pero lahat ng perang pinapadala nila ay sila auntie ang kumukuha a...